Kasipagan ng isang PWD, pumukaw sa puso ng netizens

Kasipagan ng isang PWD, pumukaw sa puso ng netizens

- Viral ang larawan ng isang PWD na nagagawa pa ring maglako sa kabila ng kanyang kapansanan

- Putol man ang isang binti nito, matiyaga pa rin siyang naglalakad para magtinda ng chicharon at iba pa

- Hinangaan ng maraming netizens ang kasipagan ng lalaki na sa kabila ng kinahaharap nating pandemya ay mas pinili pa ring ipagpatuloy ang buhay sa pamamagitan ng marangal na pagtatrabaho

- Magsilbing inspirasyon daw ang larawan na ito lalo na sa mga taong gusto nang sukuan ang kanilang trabaho

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kasipagan ng isang PWD, pumukaw sa puso ng netizens

Pumukaw sa atensyon ng netizens ang larawan ng isang PWD na nakuha pa ring maghanapbuhay kahit mayroong kapansanan.

Kuha ito ng netizen na si Ley Castillo at may caption ang larawan na "Anong sabi mo? Mahirap ung trabaho mo? K. PS. Parañaque friends, pag makita nyo cya bili kayo ng tinda nya, kinse pesos ung isang pack ng kropek. Tulungan n lang tayo."

Mapapansing putol ang kaliwang binti ng lalaki na naglalako ng chicharon.

Bitbit ang kanyang paninda sa kanang balikat habang nagsasaklay sa paglalako.

Hindi man sabihin ngunit alam nating hirap siya sa kanyang kalagayan lalo na at nag-iikot pa siya upang mas maraming maitinda.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Marami ang humanga sa lalaking ito na marahil kaya raw nagsusumikap ay para sa pamilyang umaasa sa kanyang maiuuwi sa maghapon.

Natunaw ang puso ng mga netizens dahil sa tindi ng determinasyon ng PWD na ito na mas piniling ipagpatuloy ang marangal na pamumuhay sa gitna ng pandemya.

Magsilbing inspirasyon daw ito sa marami lalo na at dumaranas tayo ng matinding krisis dala ng COVID-19.

Huwag din nating kalimutang mag-abot ng tulong sa mga taong mas higit na nangangailangan ngayon panahon ng pandemya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel