Ina, pinasok ang pagiging construction worker upang may kitain sa gitna ng pandemya

Ina, pinasok ang pagiging construction worker upang may kitain sa gitna ng pandemya

- Hinangaan ang isang ina dahil sa pagpasok nito bilang isang construction worker

- Nalugi ang dati nilang tindahan ng prutas habang ang mister naman niya ay na-stranded sa ibang lugar at nawalan din ng trabaho

- Malapit lamang ang site na kanyang pinapasukan kaya inuuwian pa rin niya ang mga anak para asikasuhin ang mga ito

- Dahil sa kasipagan ng mag-asawa lalo na ng ina, nabiyayaan sila ng pangnegosyo upang di na muling balikan pa ang delikadong trabaho ng pagiging isang construction worker

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ina, pinasok ang pagiging construction worker upang may kitain sa gitna ng pandemya

Si Joan sa kasagsagan ng kanyang trabaho bilang construction worker
Source: Facebook

Nakakabilib ang kasipagan ng inang si Joan na hindi nagdalawang isip na pasukin ang pagiging isang construction worker.

Nalaman ng KAMI na matinding dagok ang dala ng pandemya sa pamilya ni Joan.

Ang kanyang mister na isang construction worker ay na-stranded sa ibang lugar nang mag-lockdown.

Ang tindahan ng prutas na pinagkakakitaan ni Joan dati ay nalugi na rin kaya naman masasabing lalong naghikahos ang kanilang pamilya dahil sa krisis na dulot ng COVID-19.

Para may ipangtustos sa mga anak, pinasok na rin ni Joan ang pagiging construction worker sa isang site na malapit sa kanila.

Tuwing break time niya, umuuwi siya upang asikasuhin ang mga anak at ipagluto ang mga ito ng kanilang makakain.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sinisiguro niyang maayos muna ang lagay ng kanyang mga anak bago siya bumalik sa trabaho.

Takot daw ang nararamdaman ng mga anak ni Joan sa tuwing papasok ito dahil alam nila ang panganib ng trabahong pinasok ng kanilang ina para lamang maitaguyod sila.

Sa tulong ng programa ng GMA na 'Wish Ko Lang', nakauwi na ang asawa ni Joan na si Sherwin.

Ngayong magkakasama na ang pamilya nila, sinurpresa na rin sila ng programa ng kanilang pang-negosyo upang hindi na bumalik pa sa mapanganib a trabaho si Joan at di na rin malayo pa ang mister nito sa kanilang mag-anak.

Laking pasasalamat ng kanilang pamilya na matapos ang matinding pagsubok na dumaan, muling nabanaag ang kasiyahan sa kanilang mga ngiti ngayong magkakasama na muli sila.

Narito ang kabuuan ng kwento ni Joan mula sa programa ni Vicky Morales:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel