Babala! Kwentong J&T ng 1 netizen, patok na patok sa netizens

Babala! Kwentong J&T ng 1 netizen, patok na patok sa netizens

- Bentang-benta sa mga netizens ang nakakatuwang viral post ng isang netizen tungkol sa naging karanasan nito sa J&T Express

- Kakaiba kasi ito sa sunod-sunod na posts ng mga netizens na hindi naging maganda ang karanasan sa serbisyo ng kompanya

- Kasunod ito ng pagkalat ng mga videos kung saan makikita ang hindi maingat na pag-so-sort ng ilang empleyado ng J&T sa mga parcels na ipinagkatiwala sa kanila

- Nauna nang sinabi ng pamunuan ng J&T na isolated case lamang ang napanood sa ilang videos at nangakong papanagutin ang mga sangkot dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bentang-benta sa mga netizens ang isang viral post tungkol sa naging karanasan ng isang lalaki sa J&T Express.

Kakaiba kasi ito kumpara sa mga naunang post patungkol sa courier company na nahaharap ngayon sa malaking kontrobersya.

Sa post ng netizen na si Christian Jay Beliber sa kanyang Facebook account, ibinahagi nito kung paanong "nasindak" sa kanyang "remark" o mensahe ang delivery man ng J&T.

Babala! Kwentong J&T ng 1 netizen, patok na patok sa netizens

Photo from Christian Jay Beliber Facebook account
Source: Facebook

"Nakuha ko na po yung order ko sa Shopee pero sobrang hiyang hiya ako kay kuya," panimula ni Beliber.

Hindi raw kasi niya agad naintindihan nang sabihin sa kanya ng delivery man na: "Sir iningatan ko yan para walang hampasan ng ulo."

Tsaka niya lang naalala ang inilagay na "remark" o mensahe nang siya ay umorder online.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Ingatan at huwag ibagsak. Pag yan talaga sira papalo ko yan sa ulo nyo," ayon sa mensahe ni Beliber na makikita pa nga sa isang larawang ibinahagi nito.

Pero ayon dito, biro lamang niya iyon at hindi inaasahan ang nangyari. Pinuri rin nito ang delivery man at nagpasalamat na gumagana ang kanyang inorder.

"Sobrang bilis ng delivery at sobrang bait ni kuya from J&T Express. Kayo naman po, di na mabiro, eme eme lang yung remark na yun pero sineryoso nyo naman po, di ko alam na printed talaga. Anyway, thank you at gumagana po yung item. Walang hampasan ng ulo po na naganap! Sa susunod ulit na transaction," anito sa "rating" na ibinigay sa seller.

Kasunod ito ng pagkalat ng mga videos kung saan makikita ang hindi maingat na pag-so-sort ng ilang empleyado ng J&T sa mga parcels na ipinagkatiwala sa kanila.

Nauna nang sinabi ng pamunuan ng J&T na isolated case lamang ang napanood sa ilang videos at nangakong papanagutin ang mga sangkot dito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel