Sana all! Dalaga, humanga sa lalaking nakasakay lang sa jeep

Sana all! Dalaga, humanga sa lalaking nakasakay lang sa jeep

- Hindi inaasahan ng isang dalaga ang kanyang naging karanasan habang nakasakay sa isang jeep

- Anito, isang lalaking estranghero ang bigla na lang inalok sa kanya ang uniform nito para ipangtakip sa kanyang sarili

- Pero paglilinaw ng dalaga, disente at hindi maiksi ang kanyang suot na damit ngunit sadyang gentleman lang daw si kuya

- Umani naman ng paghanga mula sa mga netizens ang estranghero dahil sa ginawa nito para sa dalaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Umabot sa halos 60,000 ang shares sa Facebook ng isang viral post ng isang netizen tungkol sa "makabagong gentleman".

Sana all! Dalaga, humanga sa lalaking nakasakay lang sa jeep

Photo from Clouie Basinang Facebook account
Source: Facebook

Sa nasabing post ng netizen na si Clouie Basinang, hindi talaga nito inasahan ang naging karanasan habang nakasakay sa isang jeep.

Anito, isang lalaking estranghero ang bigla na lang inalok sa kanya ang uniform nito para ipangtakip sa kanyang sarili.

"Share ko lang. Kanina habang nasa jeep may umupong lalake sa harapan ko. He offered me his uniform patong ko daw," panimula ni Basinang.

Pero paglilinaw ng dalaga, disente at hindi maiksi ang kanyang suot na dress.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Naka dress ako pero hindi naman ganun kaiksi above the knee pag naka tayo," anito.

Sinubukan pa raw niyang tumanggi sa estranghero pero pinilit nitong itakip niya ang uniform nito sa kanya.

"Dito pumasok sa isip ko na no matter how u dress as a girl nasa lalake padin talaga kung pano sila mag isip. Luckily gentleman si kuya. Again hindi po kaiksian yung dress ko at may short ako sa loob," dagdag pa ng dalaga.

Umani naman ng papuri at paghanga mula sa mge netizens ang lalaki dahil sa pagiging gentleman nito.

"True gentleman."
"Ang bait nmn ni kuya."
"Well raised."
"Nakakapogi yung ganyang mga lalaki."
"Salute kay lodi.. Dizer po yan puregold."
"Ay iba si kuya gentleman."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel