MYMP's Chin Alcantara, sinabing "na-Daryl Ong" sila ng ABS-CBN

MYMP's Chin Alcantara, sinabing "na-Daryl Ong" sila ng ABS-CBN

- Hindi na nga napigilan ng MYMP band member na si Chin Alcantara ang maglabas ng kanyang sama ng loob sa ABS-CBN

- Ito ay matapos daw kanselahin ng kompanya ang kanilang guesting sa MOR 101.9, isang oras bago ang nakatakda nilang radio interview dahil umano sa isyu sa kanya at sa MYMP ng Dos

- Pero bukod dito, inamin din ng guitarist na banned sila sa ABS-CBN na nagsimula raw 10 taon na ang nakakaraan

- Hindi rin daw naging patas ang ABS-CBN sa kanila matapos silang i-freeze ng dalawang taon ng Star Records matapos humiwalay sa kanila ng vocalist nila noon na si Juris

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa gitna ng mainit na isyu sa pagbasura ng Kamara sa franchise renewal ng ABS-CBN Corporation dahil sa mga umano'y paglabag ng kompanya, isa pang pasabog ang usap-usapan ngayon sa social media.

Sa YouTube channel ng MYMP, isang malaking kontrobersya ang inilantad ng miyembro at gitarista ng banda na si Chin Alcantara.

Sa nasabing video, hindi na nga napigilan ni Alcantara ang maglabas ng kanyang sama ng loob sa ABS-CBN.

MYMP's Chin Alcantara, ibinunyag na "na-Daryl Ong" sila ng ABS-CBN

Photo from MYMP Official Facebook page
Source: Facebook

Wala na raw sana siyang balak na magsalita pa laban sa kompanya matapos ang naging isyu sa kanila noon ngunit isang insidente ang nagtulak umano sa kanya para magpaliwanag na rin sa kanilang mga fans.

Kwento ni Alcantara, nakatakda silang mag-guest sa radio station ng ABS-CBN na MOR 101.9 noong June 24 ngunit bigla itong kinansela isang oras bago ang nakatakda nilang radio interview.

"Ang sabi sa kanila [manager ng MYMP] ng MOR, ahh… hindi na itutuloy 'yung radio interview dahil may problema daw ang ABS-CBN kay Chin, sa akin at sa MYMP. Sinabi nila yun one hour before nung guesting, on the day itself. So, walang explanation, walang kahit ano," ayon kay Alcantara.

"Na Daryl Ong kami noh…yung MYMP na Daryl Ong," dagdag pa nito.

Pero bukod dito, isa pang insidente ang ibinahagi ni Alcantara sa netizens tungkol pa rin sa kanila ng Dos.

"Last year November, nag-guest kami sa IWant ASAP para ipromote ang bagong naming kanta 'yung ‘Wishes and Dreams.'

"Ngayon nagguest kami dun, pinost nila sa YouTube pero pagkatapos ng wala pang isang buwan binura din nila yung video namin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Nakita namin yung mga iba naman na nag-guest doon, hindi naman binubura 'yung guesting. So, hindi rin namin alam kung bakit, wala namang nag-relay sa amin basta na lang nawala na lang yung video," sabi pa nito.

Dahil dito, ibinahagi na rin Alcantara ang naging isyu sa kanila noon sa Kapamilya station para na rin daw bigyang-linaw kung bakit sila biglaang nawala sa ABS-CBN.

"From 2007 to early 2010, regular po kami diyan sa ABS-CBN, yung MYMP. Tapos nung nakahiwalay kami ng dati naming vocalist na si Juris, doon nagsimula siguro yung conflict.

"Kasi nung nagkahiwalay na kami ni Juris at yung former manager namin, sa ASAP pa kami naglaunch ng bago naming singer na kapalit ni Juris. Pagkatapos nun, yung na labas namin yun, yun yung huling labas namin sa ASAP," kwento nito.

Hindi umano naging patas ang ABS-CBN sa kanila matapos silang i-freeze ng dalawang taon ng Star Records matapos humiwalay sa kanila ng vocalist nila noon na si Juris kahit pa naka-kontrata sila sa Star Records.

"Request ko sa Star Records, irelease ang MYMP para naman makamove on kami, makagawa kami ng album at magkaroon kami ulit ng chance din magmove on with the new singer, new songs, new album with another label na hindi Star Records under ABS-CBN. Pero hindi nila pinayagan 'yun. In short, ang term dun ay pinfreeze nila ako tsaka yung MYMP for two years," sabi nito.

"Kaya si Juris nakagawa ng album, tumakbo ang career samantala ng MYMP naka freeze yan. Kahit may bago kaming singer hindi kami ginawan ng album sa Star Records. So yun yung mas masakit dun," dagdag pa nito.

Nagdesisyon na lamang daw sila na hayaan na lamang ang nangyari at hindi na pinalaki ng isyu kahit pa ayon sa isang abogado ay maaari raw nila itong ilaban sa korte.

"Nag-decide kami na pabayaan na lang at lumipas 'yung kontrata kasi yung nga, ayaw na lang namin ng gulo dahil nga malaking kompanya ang ABS-CBN, maraming pera, kami baka lang maubos ang pera namin sa mga hearing, trial tsaka bayad sa lawyer, tas tatagal pa," sabi ni Alcantara.

Matagal na raw niyang kinalimutan ang isyu at pinatawad ang mga nanakit sa kanya o sa kanila. Nagulat lamang daw siya na hanggang ngayon pala ay may isyu pa rin sa kanya ang ABS-CBN.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa sa pinag-uusapan ngayon sa bansa ang "pagkitil" sa franchise renewal ng ABS-CBN Corporation sa Kamara.

70 Congressmen versus 11 ang bumoto kontra sa renewal ng prangkisa ng isa sa pinakamalaking kompanya sa Pilipinas.

Kung si Deputy Speaker Rodante Marcoleta nga raw ang tatanungin, wala nang tyansa pa ang ABS-CBN na makakuha ng panibagong prangkisa kahit sa 2022.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel