Pinakamataas na bilang ng naka-recover sa COVID-19, naitala ngayong araw

Pinakamataas na bilang ng naka-recover sa COVID-19, naitala ngayong araw

- Umabot sa mahigit 4,300 ang naitalang naka-recover sa COVID-19 ngayong araw, Hulyo 13

- 836 naman ang nadagdag na confirmed cases na bumuo sa bilang na 57,006

- Kasalukuyan pa ring may 35,036 active cases ang bansa na karamihan ay mga mild cases

- 65 ang naitalang pumanaw ngayong araw na bumuo sa bilang na 1,599

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbigay pag-asa ang mataas na bilang ng recoveries ng COVID-19 ngayong araw, Hulyo 13 kung saan umabot ito sa bilang na 4,325.

Nalaman ng KAMI na ito ang pinakamataas na bilang na naitala sa loob ng isang araw kaya naman may kabuuang 20,371 ang bilang ng recoveries.

Base sa huling datos na binahagi ng Department of Health, 836 naman ang karagdagang bilang bagong kaso ng COVID-19 na bumuo sa pinakahuling tally na 57,006.

Kasalukuyan namang may 35,036 active cases ang bansa kung saan 92.2% sa mga ito ay pawang mild cases.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

7.1 % sa active cases na ito ang asymptomatic, 0.4 percent ang severe, and 0.3 % lamang nito ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, 1,599 na ang kabuuang bilang ng pumanaw sa COVID-19 base sa huling naitala ngayong araw kung saan 65 ang nadagdag.

Umaasa ang publiko na tataas pa ang bilang ng recoveries sa mga susunod pang mga araw.

Sa Hulyo 15, idedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging kalagayan ng bansa simula Hulyo 16 kung ano-ano ang mga lugar na sasailalim pa rin sa iba't ibang community quarantine ayon sa Philippine Star.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel