Clint Bondad, trending matapos ibahagi ang nakakaintrigang DM niya kay Sam Milby

Clint Bondad, trending matapos ibahagi ang nakakaintrigang DM niya kay Sam Milby

- Matapos manggulat sa kanyang unshaven looks sa Instagram, muling lumikha ng ingay si Clint Bondad

- Naging usap-usapan sa social media ang kanyang Instagram Story kung saan ibinahagi niya ang kanyang direct message kay Sam Milby

- Tinanong nito si Sam kung gusto niyang maging client ni Clint at ikinaintriga iyon ng maraming netizens

- Si Clint ang ex-boyfriend ng napapabalitang girlfriend ngayon ni Sam na si Catriona Gray

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon sa social media si Clint Bondad matapos niyang ibahagi ang screenshot ng kanyang direct message kay Sam Milby sa kanyang Instagram Story.

Ikinaintriga ng mga netizens ang dahilan at motibo nito sa pagpapadala ng ganoong mensahe sa aktor. May mga napaisip din kung bakit niya ito ibinahagi pa sa social media.

Sa kanyang ibinahagi sa kanyang IG Story, tinanong nito si Sam kung gusto nitong maging client ni Clint.

Clint Bondad, trending matapos ibahagi ang nakakaintrigang DM niya kay Sam Milby

Clint Bondad, trending matapos ibahagi ang nakakaintrigang DM niya kay Sam Milby
Source: Instagram

Si Clint ang dating karelasyon ng napapabalitang girlfriend ni Sam Milby na si Catriona Gray. Matatandaang matagal nang napapabalita ang relasyon nina Sam at Catriona ngunit, nakumpirma lamang ito nang ibahagi ni Sam ang picture nilang dalawa sa Instagram.

Narito ang reaksiyon ng ilang netizens sa IG Story na ito ni Clint.

So may hindi pa nakaka move on sa break up? Lol
Clint Bondad (former boyfriend of Catriona Gray ) messaged Sam Milby (the current partner of the beauty queen) and posted this on his IG story. Hmm
What happened to you ? Hahaha natatawa ako sa ig story mo may pa DM DM ka kay Sam hahaha nagpapansin kba ? Move on kna kuya Clint wag kna ganyan kasi di lahat ng dumating sayo mag.i stay

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sina Catriona at Clint ay naging magkasintahan sa loob ng anim na taon bago pa man nanalo si Catriona sa mga pageant na kanyang sinalihan. Kaya naman ganon na lang ang panghihinayang nga kanilang fans. Ibinahagi din ni Catriona ang umano'y dahilan ng kanilang paghihiwalay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Clint Bondad ay isang modelo at aktor na kasalukuyang isang Kapuso artist. Naging bahagi siya ng boy group sa ASAP na tinatawag “Coverboys.” Napanood din siya sa teleseryeng “Be My Lady” habang nasa ABS-CBN pa lamang siya.

Kamakailan lang ay marami ang nagulat sa kanyang unshaven looks at pagpayat.

POPULAR: Read more about Clint Bondad here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel