Ferdinand Topacio, nais mag-organisa ng isang noise barrage sa tapat ng ABS-CBN

Ferdinand Topacio, nais mag-organisa ng isang noise barrage sa tapat ng ABS-CBN

- Hinimok ng abogadong si Ferdinand Topacio ang kanyang kapwa DDS na tapatan ang ginawang noise barrage ng supporters ng ABS-CBN

- Ang kanilang magiging noise barrage ay gaganapin din umano sa tapat ng ABS-CBN upang suportahan ang non-renewal ng Kapamilya network

- Panawagan niya, mag-ingay din sila ‘tulad ng ginagawa ng mga ABS-CBN employees at iba pang organisasyon

- Si Topacio ay naging usap-usapan kamakailan matapos niyang tawaging sakang si Kathryn Bernardo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nais mag-organisa ng abogadong si Ferdinand Topacio ng isang noise barrage sa tapat ng ABS-CBN upang suportahan ang non-renewal ng Kapamilya network.

Tinanong ni Atty. Topacio ang kanyang mga ka-DDS kung nais nilang gawin din ang ‘tulad sa ginagawa ng mga ABS-CBN employees at iba pang organisasyon na noise barrage bilang pagpapakita ng kanilang pagtutol sa pagkaka-kansela ng franchise renewal ng TV Network.

Ferdinand Topacio, nais mag-organisa ng isang noise barrage sa tapat ng ABS-CBN

Ferdinand Topacio, nais mag-organisa ng isang noise barrage sa tapat ng ABS-CBN
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matapos ibahagi ng Kapamilya Online World ang tweet na ito ni Topacio, narito ang naging reaksiyon ng ilang netizens hinggil dito:

Sa lahat din ng mga supporters ng ABSCBN mag dala po kayo ng DINUGUAN at kung pumunta sila, e hagis niyo sa kanila! Mga walang kwentang tao!
oh eh di mag organize din kayo, para magkasubukan, para maging gyera na, patayan na, yan ang gustong mangyari ni digong dba?
My balak sigurong kumandidato si atty soxy topacio.. kya ngppkitang gilas.. hehehe.. wala yan kumedyante kase kya pagpalatawa ang nasa isip. Laban lang kapamilya
Lumalabas talaga ang tunay nilang hangarin kng bakit nila pinasara ang network..parang my something na ayaw nila malaman ng network kasi pag nlaman mg abs cbn ibabalita un at yan ang iniiwasan nila.. hmmm

Kamakailan ay nag-trending si Topacio matapos nitong pagdiskitahan ang “sakang” na mga binti ni Kathryn Bernardo sa Twitter.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang ABS-CBN o Alto Broadcasting System - Chronicle Broadcasting Network ay kilala din sa tawag na Kapamilya network. Maitututring itong isa sa pinakamalaking istasyon ng telebisyon sa bansa. Ayon sa kanilang pahayag, 11,000 ang empleyado nito na apektado sa kasalukuyang krisis na kanilang kinakaharap.

Ilan sa mga Kapamilya stars ang naglabas ng kanilang saloobin hinggil sa pagkaka-deny sa franchise renewal ng ABS-CBN. Ilan sa mga ito ay sina John Manalo, RR Enriquez, Edward Barber at marami pang iba.

POPULAR: Read more about ABS-CBN shutdown

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel