Magkasintahan, viral matapos kumasa sa 1 Million Barya Challenge

Magkasintahan, viral matapos kumasa sa 1 Million Barya Challenge

- Viral sa social media ang magkasintahan matapos nilang ibahagi ang tungkol sa kanilang baryang naipon

- Kumasa ang magkasintahan sa 1 Million Barya Challenge kung saan susubukan nilang makapga-ipon ng malaki

- Marami ang bumilib sa magkasintahan na si Yona Abella at Kit Cunanan dahil sa kanilang naging diskarte

- Ibinahagi nila kung paano nabuo ang ganoon kalaking halaga mula lamang sa kanilang barya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon sa social media ang magkasintahang matapos nilang kumasa sa 1 Million Barya Challenge. Ibinahagi din nila ang kanilang saving tips upang makahimok din sa ibang tao na ugaliing mag-ipon.

Kinabiliban ng marami ang madiskarteng magkasintahang sina Yona Abella at Kit Cunanan. Marami ang na-inspire na mag-ipon din kagaya nila.

Ayon kay Yona, isa sa kanilang "RELATIONSHIP GOALS" ay ang maka pag ipon sila ng sarili nilang pera. Kaya naman sila ay nagtakda ng kanilang magiging goal na halaga ng maiipon.

Hindi pangkaraniwan na makapag-ipon ng ganoon kalaking halaga mula lamang sa mga barya kaya marami ang naintriga sa naging diskarte ng magkasintahan.

Magkasintahan, viral matapos makapag-ipon ng 1 milyong halaga ng mga barya

Magkasintahan, viral matapos makapag-ipon ng 1 milyong halaga ng mga barya
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang kanilang inipon ay mula sa lahat ng natitirang barya sa kanilang pera kada araw.

"Ang challenge namin ay kada pag uwi sa bahay ay maghuhulog sa alakansya lahat ng barya na meron kami."

Ayon kay Yona, hindi mabubuo ang isang milyon kung wala ang ating mga barya kaya ito ang nagsilbing inspirasyon sa kanya para sila ay mag ipon.

Payo niya sa mga netizens, Humanap ng "Ipon Buddy' para mas lalong ma inspire na mag-ipon at mapapabilis pa ang pag-iipon dahil sa pagkakaroon ng katuwang.

"Lahat tayo pwedeng gawin ito, try niyo na. Hanap din kayo ng Ipon Buddy niyo. Para di na din tayo hingi ng hingi sa parents natin kapag may mga need tayong bilhin. Mag-ipon habang bata pa ."

Nauso ang ipon challenge matapos ibahagi ng mga netizens ang kanilang mga naipong pera gamit ang tradisyonal na pag-aalkansiya. Marami sa mga naibahaging ipon challenge sa social media ay nagviral.

Katulad na lamang ng isang OFW na nakaipon ng P140,000 sa loob ng anim na buwan.

Naging usap-usapan din ang ipon ng isang pamilya kamakailan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

POPULAR: Read more about Filipino viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel