PWD na namumuhay mag-isa, hinangaan sa tindi ng diskarte nito para lamang kumita

PWD na namumuhay mag-isa, hinangaan sa tindi ng diskarte nito para lamang kumita

- Hinangaan ang isang PWD mula sa Lucena City dahil sa patuloy nitong paghahanapbuhay

- Mapapansing na ang kapansanan nito ay sa kanyang binti kaya naman gumagapang ito sa paglalako ng panindang mais

- Napag-alaman pa ng uploader ng larawan ng PWD na nasa ₱50 lang ang kinikita nito sa 10 balot na nilalako nito na siyang pinagkakasya nito sa araw-araw

- Hangad ng netizens na matulungan ang lalaki at makaranas din ito ng kaginhawahan sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga ang kasipagan ng isang PWD na nakuha pa ring maglako ng mais sa kabila ng kanyang kalagayan.

Nalaman ng KAMI na sa binti ang kapansanan ng lalaki kaya naman literal na gumagapang ito sa kanyang pagtitinda.

Ayon pa sa nagpost na si Dennis A. Capistrano, nasa sampung kilometro ang ginagapang ng lalaki sa kanyang pagtitinda ng mais na nakalagay sa kanyang backpack.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Napakapositibo rin daw sa buhay ng lalaki kahit nag-iisa lamang ito sa buhay kaya naman nagsusumikap siyang buhayin ang sarili.

Halos ₱50 lang ang kita nito sa 10 balot ng masi na siyang pinagkakasya niya sa isang araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman pakiusap ng uploader sa sino man ang makakakita sa tindero ng mais na ito na sana'y matulungan at maabutan ng panggastos sa araw-araw.

"Kung sakaling magawi sya sa inyong lugar, maaari natin syang tulungan na bilhin ang kanyang paninda at bigyan ng tulong para pandagdag sa gastusin nya araw-araw," pakiusap ni Dennis.

Hangad din niya na makaranas ito ng kaginhawahan sa buhay lalo na at masipag naman ito at hindi pabigat kaninoman.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel