Mariel Padilla, inalmahan ang mga nagrereklamo sa Manila Bay Project

Mariel Padilla, inalmahan ang mga nagrereklamo sa Manila Bay Project

- Naglabas ng kanyang saloobin si Mariel Padilla kaugnay sa mga nagrereklamo sa programa ng gobyerno sa Manila Bay

- Ayon sa kanya, ipinagtataka niya kung bakit noong puro basura ang naroroon ay wala naman umanong nagrereklamo

- Dapat daw ay matuwa pa ang mga tao dahil nakikita nila kung saan napupunta ang mga buwis na ibinabayad nila

- Umani naman ng samu't-saring reaksiyon ang komentong ito ng TV host

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Mariel Padilla ang kanyang saloobin hinggil sa mga nagrereklamo kaugnay sa 'White Sand' Manila Bay Project ng pamahalaan na binuksan sa publiko nitong nakaraang mga araw.

Ayon sa aktres, hindi niya maintindihan kung bakit may mga reklamo ngayon gayong wala naman umano silang reklamo noong puro basura pa ang makikita sa Manila Bay.

Dapat nga daw ay matuwa ang mga tao dahil nakikita kung saan napupunta ang kanilang mga buwis.

Raffy Tulfo, ikinuwento ang mga kababalaghang nangyayari na rin sa kanilang tahanan

Ibinahagi ni Mariel ang saloobin niyang ito sa comment section ng Instagram post ng kanyang asawang si Robin Padilla kaugnay sa programang ito ng pamahalaan.

Marielle Padilla, kinuwestiyon ang pagrereklamo ng mga tao kaugnay sa 'White Sand' Manila Bay Project

Robin Padilla (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mariel Padilla, inalmahan ang mga nagrereklamo sa Manila Bay Project

Mariel Padilla, inalmahan ang mga nagrereklamo sa Manila Bay Project
Source: Instagram

Umani naman ng samu't-saring reaksiyon ang komentong ito ni Mariel. Mayroong sumang-ayon sa kanya at mayroon ding nangatwiran kung bakit nagrereklamo sila dito.

Matatandaang maging kontrobersiyal ang proyektong ito ng pamahalaan kung saan tinambakan ng dinurog na dolomite rocks ang dalampasigan ng Manila Bay bilang bahagi ng pagpapaganda nito.

Gayunpaman, ilang mga environmentalist ang umalma dahil sa pagtibag ng mga dolomite sa Alcoy, Cebu, upang dalhin sa Maynila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Mariel Rodriguez ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila ni Robin sa Wowowee kung saan naging pansamantalang host ang actor. Nanatiling Katoliko si Mariel kahit pa naikasal na siya kay Robin na isang Muslim.

Pamilyang kinuyog ang nurse na nag-swab test sa kanila, nasampolan

Sa isa niyang video, kinaaliwan ng mga netizens ang pakikipagpalit ni Mariel Padilla sa kanyang kasambahay sa loob ng isang araw.

Ibinahagi niya rin ang naging pagdiriwang nila sa ika-anim na buwan ng kanyang pangalawang anak na si Gabriela.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel