Louise Bolton, nagbahagi tungkol sa kaniyang relasyon sa isang trans man

Louise Bolton, nagbahagi tungkol sa kaniyang relasyon sa isang trans man

- Pinatunayan ng dating Sexbomb dancer na si Louise Bolton na walang kasarian na kinikilala ang tunay na pag-ibig

- Kamakailan ay nagbahagi ang dating sexbomb girl tungkol sa kaniyang relasyon sa isang trans man

- Naging isa sa mga guest sa Bawal Judgemental ng "Eat Bulaga" ang kanyang karelasyong si Dan Padilla

- Apat na taon na umano silang magkarelasyon ayon kay sa dating sexbomb dancer

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinatunayan ng dating sexbomb dancer na si Louise Bolton na totoo ang kasabihang walang kinikilalang kasarian ang tunay na pag-ibig nang kamakailan ay magbahagi siya tungkol sa kanyang relasyon sa isang trans man.

Ang kanyang karelasyong si Dan padilla ay isa sa mga naging guest sa Bawal Judgemental ng Eat Bulaga kamakailan ayon sa ulat ng Inquirer Bandera.

Ani Louise, apat na taon na silang magkarelasyon ni Dan. Nagkakilala sila bago pa man sumailalim sa transition si Dan. Siya pa umano ang tumuturok ng testosterone injections kay Dan bilang pagsuporta sa transition nito.

Louise Bolton, inamin ang kaniyang pakikipagrelasyon sa isang trans man

Louise Bolton, inamin ang kaniyang pakikipagrelasyon sa isang trans man
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ulat ng Inquirer, naitanong sa dating sexbomb dancer kung paano siya na inlove kay Dan. “Doon talaga pumasok ‘yung love has no gender. Kapag nagmahal ka kasi hindi mo naman makikita ‘yan sa physical, age and sa ano ba? Siguro sa ugali. Sa ugali kasi ako tumitingin,” aniya.

Sinigurado niya rin kay Dan na lagi siyang nakasuporta kung para sa kaligayahan nito. “Support ako sa ‘yo sa kahit anong mangyari, sa lahat ng gusto mong gawin. At siyempre ang pinagpe-pray ko lagi, happy ka. Maging happy ka lang palagi.”

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

“Support lang ako sa ‘yo kahit magulo na ‘yung mundo. Nandito lang ako," tugon naman ni Dan sa mensahe ni Louise.

Si Louise Jane Alexandra Bolton ay nakilala bilang dating miyembro ng Sexbomb Girls mula noong 2004. Ito ang naging daan upang makilala siya sa mundo ng showbiz at maging bahagi ng ilang TV shows kagaya ng "Daisy Siete".

Unti-unti nang natatanggap ng karamihan ang mga miyembro ng LGBTQ community. Sa katunayan, umani ng papuri ang isang trans man kamakailan matapos niyang magbuntis at manganak sa kabila ng kanyang anyo na kawangis ng isang lalaki.

Maging ang dating PBB housemates na kapwa miyembro ng LGBTQ community na sina Mitch at Dudz at muling magkakaroon ng baby.

POPULAR: Read more LGBTQ stories/news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel