Mimiyuuuh, hindi makapaniwalang naibili niya ng bahay ang kanyang pamilya

Mimiyuuuh, hindi makapaniwalang naibili niya ng bahay ang kanyang pamilya

- Tila hindi pa rin makapaniwala ang vlogger at social media influencer na si Mimiyuuuh sa kanyang narating

- Sa kanyang pagiging vlogger at iba pang trabaho bilang isang social media influencer, naibili niya ng bahay ang kanyang pamilya

- Hinihintay na lamang umano nila ang pagturn over ng kanilang bagong bahay na pinag-ipunan niya mula sa kanyang mga kinita

- Unang sumikat si Mimiyuuh nang mag-viral ang kanyang Dalagang Pilipina video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pa rin halos makapaniwala ang 23 anyos na si Mimiyuuuh na nakabili siya ng bahay para sa kanyang pamilya.

Sa isang panayam ng PUSH, ibinahagi niya ang kanyang naramdaman sa kanyang naipundar para sa kanyang pamilya.

Aniya, hindi niya inasahan na makakabili siya ng bahay.

“Akala ko nga po mga nasa 30s pa ko makakabili ng bahay tapos ayun po, sobrang amazed ako na makakabili na po ako ng bahay for my family," aniya.

Mimiyuuuh, hindi makapaniwalang naibili niya ng bahay ang kanyang pamilya

Mimiyuuuh, hindi makapaniwalang naibili niya ng bahay ang kanyang pamilya
Source: Instagram

Sa kanyang YouTube video, ibinahagi ng vlogger ang paghahanap nilang magpamilya ng bahay. Aniya, hinihintay na lamang nila ang turn-over ng kanilang bagong bahay at makakalipat na sila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Nakahanap na po kami. Yehey! On-going na po yung pagpa-process niya!” Ani Mimiyuuuh.

Ibinahagi din niyang nahirapan siyang mag-adjust noong mga panahong limitado ang paglabas ng mga tao bunsod ng mga lockdown na ipinatupad.

“Sa pag-stay ko po sa bahay nang matagal, na-realize ko po na live life to the fullest kasi hindi niyo na po talaga alam ang mangyayari sa susunod na araw. Dapat po pala, nag travel ako nang nag travel. Dapat pala niyakap ko at bineso ko ng bonggang-bongga yung mga tao!”

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sumikat si Mimiyuuuh noong 2019 matapos mag viral sa social media ang kanyang "Dalagang Pilipina" video. Ito ang naging daan upang magkaroon siya ng mga endorsement at napabilang sa mga pinakasikat na social media influencers sa bansa.

Kasabay ng kanyang pagsikat ay ang pagkakaroon niya ng maraming endorsements at projects. Sa katunayan, nag-record din siya ng waze directions na talaga namang naging patok sa mga netizens.

Nakatrabaho niya na rin ang ilan sa mga mabibigat na pangalan sa mundo ng showbiz kabilang na si Heart Evangelista.

POPULAR: Read more about Entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel