John Manalo, walang prenong binuweltahan ang 70 kongresista

John Manalo, walang prenong binuweltahan ang 70 kongresista

- Walang preno ang naging pahayag ng dating Goin' Bulilit star na si John Manalo

- Ito ay kaugnay sa naging desisyon ng mga kongresista sa franchise renewal ng ABS-CBN

- Pinigyan puga niya naman ang 11 mga kongresista na tumutol sa pag-deny ng franchise renewal ng Kapamilya network

- Matagal nang hindi aktibo sa showbiz ang dating child star

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahit matagal nang hindi lumalabas sa telebisyon, nagpakita ng kanyang suporta ang dating child actor na si John Manalo.

Inihayag ng dating award-winning child star ang kanyang saloobing hinggil sa pagbasura ng House Committee on Legislative Franchises ang franchise renewal ng ABS-CBN. Walang preno ang kanyang bwelta sa mga tao sa likod ng pagpapasara ng ABS-CBN.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon sa lumabas na ulat, 70 ang kongresistang pabor na i-deny ang bagong 25-taong prangkisa ng Kapamilya network, 11 naman ang hindi sang-ayon, dalawa ang nag-inhibit at isa ang nag-abstain sa naganap na botohan.

John Manalo, walang prenong binuweltahan ang 70 kongresista

John Manalo, walang prenong binuweltahan ang 70 kongresista
Source: Instagram

"To the brave 11, hats off to all of you. Ang sarap matulog nang alam mo na tama 'yung ginawa mo, 'no?," ani Manalo.

"Sa lahat naman na nag-vote ng "No" [sa patuloy na operasyon ng ABS-CBN]," bigkas ni John bago ngumiti, umiling, huminga nang malalim, at sumipol. Sa ibabang bahagi ng kanyang video, mababasa ang katagang "para saan pang naging representative kayo if pang sariling interest lang ang ni-rerepresent niyo?" dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si John Vladimir Cruz Manalo o mas kilala sa kanyang screen name na John Manalo, ay isang aktor na dating kabilang sa mga talents ng Star Magic. Ginawaran siya ng maraming parangal at pagkilala sa kanyang husay sa pag-arte.

Ang ABS-CBN o Alto Broadcasting System - Chronicle Broadcasting Network ay kilala din sa tawag na Kapamilya network. Maitututring itong isa sa pinakamalaking istasyon ng telebisyon sa bansa. Ayon sa kanilang pahayag, 11,000 ang empleyado nito na apektado sa kasalukuyang krisis na kanilang kinakaharap.

Ilan sa mga Kapamilya stars ang naglabas ng kanilang saloobin hinggil sa pagkaka-deny sa frnachise renewal ng ABS-CBN. Ilan sa mga ito ay sina RR Enriquez, Edward Barber at marami pang iba.

POPULAR: Read more about ABS-CBN shutdown here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel