Dani Barretto, sinupalpal ang mga trolls na nang-bash sa kanyang anak

Dani Barretto, sinupalpal ang mga trolls na nang-bash sa kanyang anak

- Hindi napigilan ni Dani Barretto na pagsalitaan ang mga trolls na umano ay nangbash sa kanyang anak

- Sa kanyang mga tweets, binuweltahan ni Dani ang mga gumagawa ng fake accounts para lang makapagsalita ng hindi maganda sa kanyang 9 na buwang gulang na anak

- Sinabihan din niya ang mga ito na tigilan ang pagkukumpara ng anak niya sa ibang mga bata

- Si Dani Barretto ay anak ni Marjorie Barretto at dati nitong karelasyong si Kier Legazpi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi na nakapagpigil si Dani Barretto na supalpalin ang mga netizen na gumawa pa ng fake account ma-bash lamang ang kanyang 9 na buwang gulang na anak na si Millie.

Sa kanyang mga tweets, hindi pinalampas ni Dani ang mga trolls na hindi pinatawad pati ang isang musmos sa kanilang gawain.

“Grabe ‘yung effort ng mga tao diyan gumawa ng fake account para i-bash ‘yung 9-month-old kong anak! Grabe kayo.

How the hell do you sleep at night? Ganon ba kayo kalungkot sa buhay na pati ‘yung bata na wala pang kamalay-malay sa mundo i-babash niyo?” ani Dani.

Dani Barreto, sinupalpal ang mga trolls na nang-bash sa kanyang anak

Dani Barreto, sinupalpal ang mga trolls na nang-bash sa kanyang anak
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinabihan din niya ang mga ito itigil ang pagkukumpara ng kanyang anak sa ibang mga bata.

“And please stop comparing my daughter to other babies. Whether it’s a compliment or an insult, it’s just not f**king right. Hindi kami magician, magulang kami. Let our kids grow at their own pace. How did social media get toxic?”

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Dani Barretto ay anak ni Marjorie Barretto at dati nitong karelasyong si Kier Legazpi. Isa siyang kilalang social media influencer at vlogger.

Apat ang kanyang kapatid sa kanyang ina; sina Julia, Claudia, Leon, and Erich. Ikinasal siya sa kanyang longtime boyfriend na si Xavi Panlilio.

Kamakailan ay usap-usapan ang video ng mag-asawang kasabay na kumakain ang kanilang kasambahay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel