Mga deboto ng Pandacan Parish, emosyonal nang magsimba sa nasunog na simbahan

Mga deboto ng Pandacan Parish, emosyonal nang magsimba sa nasunog na simbahan

- Viral ang mga larawan ng mga debotong sumimba sa Pandacan church isang araw matapos maganap ang sunog

- Pinahintulutan pa ring magsagawa ng misa sa labas ng Sto. Nino de Pandacan Parish at naglagay na lamang sila ng tent upang may masilungan ang mga nagsisimba sakaling umulan

- Maging ang malaking imahe ni Kristo sa pagkakapako nito sa krus ay nasunog din ngunit naitayo pa rin sa labas ng simbahan habang nagmimisa

- Sunog ang lahat ng nasa loob ng simbahan maging ang iba pang imahe ng santo at altar nito

- Wala pang opisyal na pahayag ang BFP sa kung ano ang pinagmulan ng sunog ngunit nakikita nilang faulty electrical wiring ang posibleng dahilan nito

Mga deboto ng Pandacan Parish, emosyonal nang magsimba sa nasunog na simbahan

Isa sa mga nagsimba sa Sto. Nino de Pandacan Parish ngayong Linggo, Hulyo 12
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi naiwasang maging emosyonal ng mga nagsimba sa Sto. Nino de Pandacan Parish isang araw matapos na masunog ang naturang simbahan.

Nalaman ng KAMI na sumiklab ang sunog nitong Sabado, Hulyo 11 na tumupok sa lahat ng kagamitang nasa loob ng simbahan.

Ngunit hindi ito naging dahilan upang hindi magkaroon ng misa ngayong Linggo na ginanap sa labas ng simbahan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dinaluhan ito ng mga debotong napaluha lalo na nang makita ang imahe ni Kristo na nakapako sa krus na nakatayo pa rin kahit natupok din ng apoy.

Mapapansing sumusunod sa social distancing ang mga nagsimba at may mga tent din na inihanda sakaling bumuhos ang ulan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakunan ng ni Danny Pata ng GMA News ang mga nagsimbang naiyak sa sinapit ng simabahan.

Sa ngayon, inaalam pa rin ang sanhi ng sunog ngunit malaki ang posibilidad na faulty electrical wiring ang sanhi nito o appliance na naiwang bukas nang matagal.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel