Vlogger, hindi napigilang maging emosyonal dahil sa inabot na panlalait

Vlogger, hindi napigilang maging emosyonal dahil sa inabot na panlalait

- Hindi mapigilang maging emosyonal ng isang vlogger matapos niyang ibahagi ang panlalait na kanyang dinanas

- Marami umano siyang natatanggap na komento tungkol sa kanyang panlabas na anyo dahil sa kanyang tagiyawat

- Paliwanag niya, mas inuuna niya ang pangangailangan ng kanyang pamilya kaya hindi niya muna pinagkakagastusan ang mga bagay na hindi niya kailangan

- Gayunpaman, malaki ang pasasalamat niyang nakabili siya ng sasakyan para sa kanyang mga magulang para hindi na mahirapan sa kanilang pagbiyahe

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bumuhos ang suporta para sa isang YouTuber na nakilala sa pangalang Leti Sha. Ito ay matapos ibahagi niya kamakailan ang isang video kung saan ikinuwento niya ang mga panlalait na kanyang natatanggap sa kanyang pag vlog.

Sa kanyang vlog kamakailan, nagpasalamat siya sa mga taong sumoporta sa kanya. Hindi niya umano inasahan na magkakaroon siya ng mahigit isang milyon na subscribers dahil ang una lang na pumasok sa isip niya ay gusto niya lang makapagpasaya ng mga manonood sa kanya.

Sa kanyang kinita ay nakabili siya ng sasakyan para sa kanyang mga magulang na palagi umano nagpapa check-up at hirap sa biyahe.

Vlogger, hindi napigilang maging emosyonal dahil sa inabot na panlalait

Vlogger, hindi napigilang maging emosyonal dahil sa inabot na panlalait
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pagbabahagi pa ng vlogger, malaki ang pasasalamat niya na sa kabila ng lahat ng panlalait na kanyang natanggap dahil sa kanyang tagiyawat. Masaya siya umano na natutugunan niya ang mga pangangailangan ang kanyang pamilya.

Hindi niya mapigilang maging emosyonal nang ibahagi niya ang mga sinasabi ng ilang mga netizens sa kanya.

Umani naman ng papuri at suporta ang vlogger matapos niyang ibahagi ang kanyang karanasan. marami ang humanga sa pagpapahalaga niya sa kanyang pamilya, lalong lalo na sa kanyang mga magulang.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Narito ang ilan sa mga mensahe ng mga netizens:

An example of a responsible daughter who loves her parents more than anything in this world. God bless your pure and loving heart.
Stop acne shaming, it's okay to have pimples. As someone who is also experiencing acne problems, I understand how she feels. Fvck standards. Kung hindi mo gusto, okay. Pero huwag naman sanang sabihan ng masasakit na salita yung tao. You're beautiful, Letisha!
It hurts me to see her this way she’s just so pure and loving daughter who always prioritize her parent’s wants and needs more than hers. I salute you Letisha you are an amazing person

Sumikat ang vlogger na si Leti Sha sa kanyang mahuhusay na make-up tutorials at transformation make-ups. Sa kasalukuyan, mayroon siyang 1.51 million subscribers.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel