Customer, nasa ₱50,000 ang tip sa restaurant na nagbukas sa gitna ng pandemya

Customer, nasa ₱50,000 ang tip sa restaurant na nagbukas sa gitna ng pandemya

- Nag-iwan ng malaking tip ang isang customer bilang pasasalamat sa mga tauhan ng restaurant na nagbukas sa gitna ng pandemya

- Emosyonal ang may-ari nito nang makita ang tip dahil aminado siyang balak na sana niyang permanenteng isara ang kanyang negosyo

- Ngunit tila nagbigay ng pag-asa sa kanya ang customer na nag-iwan ng $1,000 na tip

- Hinati-hati niya ito sa mga staff base na rin sa bilin ng customer sa likod ng resibo nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Customer, nag-iwan ng nasa ₱50,000 na tip dahil nagbukas ang resto sa gitna ng pandemya

Tip na iniwan ng regular customer ng 'The Starving Artist' restaurant
Source: Facebook

Laking gulat ng staff ng restaurant na 'The Starving Artist' sa New Jersey, USA nang mag-iwan ang isang customer ng $1,000 bilang tip.

Nalaman ng KAMI na wala pang $50 ang kinain ng customer ngunit napakalaki pa rin ng iniwan nitong tip.

Ayon sa panayam ng CNN sa may-ari ng restaurant na si Arnold Teixeira, regular customer daw nila noon pang 2001 ang nag-iwan ng malaking tip na ito.

Kwento pa nito, kasama noon ng customer ang kanyang pamilya na tahimik na kumain sa restaurant.

Laking gulat na lang ni Teixeira nang lumapit sa kanya ang waitress na kumuha ng bill ng customer noon umalis na ito.

Tumataginting na $1,000 o nasa ₱50,000 ang iniwang tip ng customer bilang pasasalamat sa staff ng restaurant sa patuloy na pagtatrabaho ng mga ito sa gitna ng pandemya.

Maging si Teixeira ay naluha na rin lalo pa at aminado siyang binabalak na niyang permanenteng isara ang The Starving Artist.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mula nang pahitulutan na magbukas ang mga restaurants sa Amerika, ni hindi manlang daw nila maabot sa kalahati ng normal nilang kinikita ang pumapasok na pera sa kanila ngayong panahon ng pandemya.

Ngunit dahil sa kabutihan ng cusotmer, nagkaroon sila ng pag-asang ipagpatuloy lamang ang serbisyo lalo na at napapansin naman pala ito ng kanilang mga customers.

"But this tip restored our hope in humanity. It made us feel so good about what we're doing. We go through a lot of steps to protect our customers, and it gets exhausting after a while, but now we know our efforts have actually been noticed."

Hinati-hati nila ang tip ayon na rin sa bilin ng customer mula sa note na isinulat nito sa kanyang resibo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang larawan ng resibo at note na iniwan ng di na pinangalanang customer.

Customer, nag-iwan ng nasa ₱50,000 na tip dahil nagbukas ang resto sa gitna ng pandemya

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel