Malapit na kaibigan ni Jang Lucero, isiniwalat ang huling inamin nito sa kanya

Malapit na kaibigan ni Jang Lucero, isiniwalat ang huling inamin nito sa kanya

- Isa na namang online conversation ang lumutang na mula di umano sa kaibigan ni Jang Lucero

- Minsan nang nai-ugnay sa kaso ang kasintahan ni Jang na si Meyah Amatorio dahil daw sa isiniwalat na mga mensaheng ito

- Nasabi raw mismo ni Jang na sobrang selosa ng kasintahan nito at madalas na rin siya nitong saktan

- Ang nakakakilabot pa sa rebelasyon ay ang pagbabanta di umano ng nobya ni Jang ng pamamaslang sa sobrang pagseselos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Malapit na kaibigan ni Jang Lucero, isiniwalat ang huling inamin nito sa kanya

Si Jang Lucero kasama ang kasintahang si Meyah Amatorio
Source: Facebook

Mabilis na nag-viral ang isa na namang online conversation ng nagpakilalang kaibigan ni Jang Lucero patungkol sa huling naisiwalat nito sa kanya.

Nalaman ng KAMI na labis na nabahala ang kaibigan na ito nang malamang pumanaw na si Jang.

Sa screenchots ng conversation na binahagi ni Jing Le, mapapansin na ang usapan ay naganap noong June 29, isang araw matapos ang malagim na pagpaslang kay Jang.

Nasabi ng di na pinangalanan pang kaibigan ni Lucero ang huling naikwento nito sa kanya na ikinabahala ng kaibigan dahil maari raw na may kaugnayan ito sa kaso.

Nasabi umano ni Jang na matindi umanong magselos ang nobya nitong si Meyah Amatorio.

Ang masaklap pa rito, nagagawa rin daw siya nitong saktan sa labis na paghihinala nito sa kanya.

Marso nang huling makasama ng kaibigang ito si Jang at doon daw nito naibulalas ang mga impormasyong iyon tungkol sa nagaganap sa relasyon nila ni Amatorio.

Ipinakita rin mismo ni Jang na may kayakap na ibang babae ang nobya ngunit hindi pa rin niya ito magawang maiwan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang sa unang lumutang na screenshot ng text message mismo ni Jang sa isa ring kaibigan, nabanggit niya mismo ang alyas "Thea" na nakikitulog na raw sa kanilang bahay sa Taguig.

Ang pinakamatindi sa lahat ay nang maikwento rin ni Jang na minsan nang pinagbantaan ng nobya ang kanyang buhay kaya naman labis itong ikinabahala ng napagkwentuhang kaibigan.

Ayon naman sa kausap ng kaibigan ni Jang sa chat, hindi pa rin sapat ang mga rebelasyong ito upang sabihing may kaugnayan nga ang nobya sa krimen. Ngunit binigay pa rin niya ang impormasyong ito sa pamilya ng biktima.

Sa ngayon, wala pa ring nahuhuli muli na suspek sa kaso ng pamamaslang kay Jang Lucero.

Si Ann Shiela Montes Belarmino na minsan nang naiturong mastermind ay pinalaya rin dahil sa kakulangan sa ebidensya.

Kahit pa umamin itong dati niyang kasintahan si Amatorio, wala pa rin daw umano siyang kinalaman sa kaso.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Lucero ay lady driver na natagpuang wala nang buhay sa kanya mismong sasakyan noong Hunyo 28 ng gabi.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon at pangangalap ng mabigat na ebidensya sa kaso upang mabigyang hustisya na ang pagkamatay ni Lucero.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel