Ann Belarmino, naniniwalang sinet-up lang siya ng tunay na salarin

Ann Belarmino, naniniwalang sinet-up lang siya ng tunay na salarin

- Naniniwala si Ann Shiela Belarmino na sinet-up lamang siya ng tunay na salarin sa pagpaslang kay Jang Lucero

- Matatandaang inaresto ang 20-anyos na si Belarmino matapos siyang masangkot sa krimen at ituro pang "mastermind" umano sa krimen

- Pero pinalaya rin ito ng PNP matapos ibasura ng Calamba Prosecutor's Office ang kaso laban sa dalaga dahil sa kakulangan ng ebidensiya

- Sa isang panayam dito, ipinakita pa nito ang mga braso para patunayang walang anumang sugat o galos na posibleng makuha sa insidente

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naniniwala si Ann Shiela Belarmino na sinet-up lamang siya ng tunay na salarin sa pagkamatay ni Jang Lucero.

Si Belarmino ang 20-anyos na dalagang inaresto ng Calamba police matapos masangkot sa karumal-dumal na krimen.

Ann Belarmino, naniniwalang sinet-up lang siya ng tunay na salarin

Photo from Ann Shiela Belarmino Facebook account
Source: Facebook

Isang saksi umano ang nakakita rito nang sumakay ito sa kotse ni Jang Lucero noong gabi ng krimen. Habang isa naman daw ang nagsabi na nakita rin si Belarmino nang bumaba mula sa sasakyan ng biktima sa mismong crime scene.

Ginamit ding ebidensiya ang tattoo nito sa likod na kapareho umano ng nasa likod ng babaeng nakita sa CCTV na kasama ng dalawang lalaki na hinihinalang sangkot din sa krimen.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pero mariing itinanggi ni Belarmino ang mga akusasyon laban sa kanya at iginiit na siya ay inosente.

Sa isang panayam dito ng 24 Oras ng GMA News, ipinakita pa nito ang mga braso para patunayang wala itong anumang sugat o galos na posibleng makuha mula sa insidente.

Matapos ang ilang araw ay pinalaya rin si Belarmino ng PNP matapos ibasura ng Calamba Prosecutor's Office ang kaso laban dito dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Sa kanyang pag-uwi, sinalubong si Belarmino ng palakpakan at masayang hiyawan ng kanyang pamilya at mga taga-suporta.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Suma-sideline si Jang Lucero bilang private driver gamit ang kanyang sasakyan matapos mawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Sa ulat na lumabas, inilahad na ang kalunos-lunos na sinapit ni Lucero mula umano sa mga suspek.

Bukod sa mga ebidensiyang nakalap ng mga pulis sa crime scene, ilang saksi rin umano ang lumutang ayon sa PNP.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel