Pinakamataas na bilang ng mga naka-recover sa COVID-19, naitala ngayong araw

Pinakamataas na bilang ng mga naka-recover sa COVID-19, naitala ngayong araw

- Naitala ngayong Hulyo 11 ang pinakamataas na bilang ng recoveries ng COVID-19 sa loob ng isang araw

- 807 ang mga naka-recover na nagbigay pag-asa sa marami lalo na at hindi pa rin mapigilan ang pagtaas ng karagdagang kumpirmadong kaso ng virus

- Nangunguna pa rin ang National Capital Region sa may pinakamataas na bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 na naitala ngayong araw

- Pumapangalawa pa rin sa dami ang Region 7 kung saan naroon ang Cebu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinakamataas na bilang ng mga naka-recover sa COVID-19, naitala ngayong araw

Naitala ngayong Hulyo 11 ang pinakamataas na bilang ng mga naka-recover sa COVID-19
Source: Facebook

Pag-asa ang hatid ng mataas na bilang ng naitalang naka-recover sa COVID-19 ngayong araw, Hulyo 11.

Nalaman ng KAMI na umabot ito sa bilang na 807, ang pinakamataas na naitala sa loob ng isang araw.

Samantala, 1,387 kaso naman ang dumagdag ngayong araw kung saan 918 ang fresh cases at 469 ang late cases.

Mula pa rin sa Metro Manila ang pinakamataas na bilang ng kumpirmadong kaso ngayong araw na sinusundan pa rin ng Region 7 kung saan naroon ang Cebu.

Kasalukuyan nang mayroong 38,813 COVID-19 active cases ang Pilipinas.

12 lamang ang naitalang bilang ng mga pumanaw sa virus na bumuo sa bilang na 1,372.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa active cases breakdown, makikitang karamihan ng naitala ay pawang mild cases lamang.

2,619 naman sa active cases ang asymptomatic, 257 naman ang severe cases at 100 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health sa mga safety protocols na dapat gawin tulad ng palagiang pagsusot ng face mask lalo na kung nasa publikong lugar.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nararapat ding maghugas lagi ng kamay lalo na kung galing sa labas at kung hindi ito magagawa, siguraduhing may dalang alkohol o anumang disinfectant na siyang hahalili sa paglilinis ng kamay.

Maging ang pagsasalita sa pampublikong sasakyan tulad ng LRT at MRT ay ipinagbabawal na rin upang maiwasan ang pagkalat ng droplets na siyang nagiging sanhi ng pagkalat ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel