Video ni Jang Lucero na kausap ang pinsan nito ukol sa GF niya, viral

Video ni Jang Lucero na kausap ang pinsan nito ukol sa GF niya, viral

- Puno ng buhay at pagmamahal si Jang Lucero sa isang viral video na in-upload sa social media ng isang netizen

- Sa naturang video, inihayag nito ang pagmamahal para sa nobyang si Meyah Amatorio

- Marami naman ang nalungkot dahil sa video lalo pa at hanggang sa ngayon ay wala pa ring malinaw na resulta ang kaso

- Sa isang viral video, isang mensahe naman ang inihayag ni Amatorio para sa mga umano'y naninira sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Puno ng buhay at pagmamahal ang pinaslang na si Jang Lucero sa isang viral video na in-upload ng isang netizen sa YouTube.

Sa naturang video, mapapanood si Lucero habang kausap ang kanyang pinsan gamit ang Facebook account ng nobyang si Meyah Amatorio.

Video ni Jang Lucero na kausap ang pinsan nito ukol sa GF niya, viral

Photo from Jang Lucero Facebook account
Source: Facebook

Makailang-beses din inihayag ng dalaga ang kanyang pagmamahal para sa naulilang nobya.

Marami ang nalungkot dahil sa video na ito lalo pa at hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring malinaw na resulta ang kaso nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, sa isa pang viral video, isa namang mensahe ang inihayag ni Amatorio para sa mga umano'y naninira sa kanya.

Ilang netizens kasi ang isinasangkot si Amatorio sa malagim na pagkamatay ni Lucero.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang pahayag si Amatorio tungkol dito maging ang pamilya Lucero at ipinapaubaya na lamang daw nila ang kaso sa pulisya.

Nauna nang sinabi ng PNP na crime of passion ang isa sa mga anggulong tinitignan nila. Isang 20-anyos na dalaga ang inaresto kamakailan ng pulisya at itinuturong isa sa mga suspek.

Kinilala itong si Ann Shiela Belarmino na napag-alamang dating karelasyon ni Amatorio. Pinalaya rin ito ng PNP kinalaunan dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Suma-sideline si Jang Lucero bilang private driver gamit ang kanyang sasakyan matapos mawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Sa ulat na lumabas, inilahad na ang kalunos-lunos na sinapit ni Lucero mula umano sa mga suspek.

Bukod sa mga ebidensiyang nakalap ng mga pulis sa crime scene, ilang saksi rin umano ang lumutang ayon sa PNP.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel