Netizen, ipinaalalang may regional employees din na apektado ng ABS-CBN shutdown

Netizen, ipinaalalang may regional employees din na apektado ng ABS-CBN shutdown

- Viral ngayon ang larawan ng regional employees na apektado rin ng ABS-CBN shutdown

- Binahagi ito ng isang netizen at ipinaalalang hindi lamang ang mga empleyado sa mismong ABS-CBN sa Quezon City ang mawawalan ng hanapbuhay kundi maging ang nasa iba't ibang bahagi ng bansa

- Ito rin ang inaabangan ng mga kababayan natin sa iba't ibang probinsya lalo na at ang kanila mismong mother-tongue o sariling dayalekto nila ang ginagamit kaya naman mas madali nilang nauunawaan ang inuulat sa nagaganap din mismo sa kanilang probinsya

- Maging ang mga kababayan din natin sa ibang bahagi ng bansa na aminadong mga kapamilya ay nagpahayag ng kalungkutan sa hindi pag-apruba na ma-renew pa muli ang prangkisa ng higanteng network

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Netizen, ipinaalalang may regional employees din na apektado ng ABS-CBN shutdown

TV Patrol, Southern Tagalog Region
Source: Facebook

Mabilis na nag-viral ang mga larawan ng mga regional employees ng ABS-CBN na apekatado sa hindi na muling pag-renew ng prangkisa nito.

Nalaman ng KAMI na isang netizen ang tahasang nagpaalala sa publiko na hindi lamang ang mga empleyado ng ABS-CBN sa Quezon City ang apektado dahil may mga regional offices din sila na naghahatid ng balita sa iba't ibang probinsya.

Ayon sa post ni Rayianne Gabriel Maravilla, nabanggit na niya dati pa ang mga empleyadong ito na mawawalan din ng trabaho sa panahon ng pandemya.

Mayroon tinatawag na TV Patrol Regionals na eksklusibong napapanood sa kinabibilangang probinsya ng isang lugar.

Tuwing hapon nila ito mapapanood o mapapakinggan kung saan mismong ang kanilang 'mother-tongue' ang ginagamit sa pag-uulat kaya mas nauunawan ng naturang probinsya ang inuulat at napapahalagahan din ang kanilang dayalekto.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dito rin nila nalalaman ang kaganapan sa kanilang lugar o rehiyon. Mahalaga pa naman ito ngayon sa panahong dinaranas pa rin nating ang krisis na dala ng COVID-19 at malaking bagay na ang mapapanood natin ay nakatutok sa ating lugar.

Paliwanag pa ng netizen, maraming 'Kapamilya' ang aminadong nadurog ang puso dahil bukod sa mga paborito nilang teleserye, hindi na rin nila mapapanood ang Regional TV Patrol ng kanilang probinsya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hulyo 10 nang ilabas ang naging resulta ng botohan ng mga kongresista kaugnay ng desisyon nila kung pahihintulutan pa ang ABS-CBN na makapag-renew ng kanilang prangkisa.

Sa kasamaang palad, 11 lamang ang pumapayag habang 70 naman ang hindi na muling nagbigay pa ng pagkakataong makapag-ere pa muli ang higanteng network.

Samu't saring reaksyon ang nagsilabasan sa social media at karamihan ay nagbulalas ng kalungkutan sa muling pagsasara ng Kapamilya Network.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel