Pastor Apollo Quiboloy, muling nagbigay ng mensahe sa ABS-CBN at kay Vice Ganda

Pastor Apollo Quiboloy, muling nagbigay ng mensahe sa ABS-CBN at kay Vice Ganda

- Matapos tuluyang mawala ang franchise ng ABS-CBN, muling nagsalita si Pastor Apollo Quiboloy hinggil sa isyu

- Pinasaringan niyang muli si Vice Ganda kaugnay sa paghamon nito sa kanya na pahintuin ang traffic sa EDSA at patigilin ang "Ang Probinsyano"

- Muli ding inungkat ni Quiboloy ang diumano'y ginawa ng ABS-CBN sa kanya noong siya ay nagsisimula pa lamang

- Si Pastor Apollo Quiboloy ang founder at pinuno the Kingdom of Jesus Christ

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling nagsalita si Pastor Apollo Quiboloy kaugnay sa ABS-CBN matapos tuluyan na ngang mawalan ng prangkisa ang nasabing TV Network.

Sa live broadcast ng kanyang programang "Give Us This Day" sa SMNI TV kahapon, inihayag nito ang kanyang saloobin.

Pinasaringan niyang muli si Vice Ganda na humamon sa kanya na ipatigil ang Programang Ang Probinsyano at ang traffic sa EDSA.

“O, di Vice Ganda, alam mo na ngayon, hindi kayo makapangyarihan! Ang Amang nasa langit ang makapangyarihan. O challenge accepted, ‘yan ang napala niyo, di ba?" pang-uuyam ng "The Appointed Son of God" at "The Owner of the Universe," aniya.

Dagdag pa ni Quiboloy, dapat ay huwag maging mayabang ang sinumang maimpluwensiyang tao dahil tinitingala sila ng mga tao.

“Ipakain ninyo yung mabuti. I-guide ninyo yung mga tao sa kabutihan, huwag yung kayabangan, tapos ang yayabang ninyo," dagdag pa niya.

Hindi rin nakaligtas ang mismong ABS-CBN sa kanyang mensahe.

Pastor Apollo Quiboloy, muling nagbigay ng mensahe sa ABS-CBN at kay Vice Ganda

Pastor Apollo Quiboloy, muling nagbigay ng mensahe sa ABS-CBN at kay Vice Ganda
Source: Facebook

“Marami pa kayong haharapin na cases ngayon, tax evasion, kaya huwag magyabang," sabi niya tungkol sa akusasyon laban sa network na hindi pa naman napapatunayan."

Aniya, napansin niyang kahit ang mga crew ng Kapamilya network ay mayayabang din.

Sinariwa din niya ang umano'y pagkansela ng kontrata niya sa ABS-CBN noong nagsisimula pa lamang siya sa kanyang ministry. Kinansela raw ang kanyang kontrata at ang programa niya'y pinalitan ng show tungkol sa sabong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"You canceled my contract, I think my contract already lapsed and you did not renew. Ang pakiramdam ko, kinansel, e."

Ang kanyang programang "The Hour of Truth" ay unang umere noong 1991.

"If you only let me in your station and you gave a place for my preaching to go there and to be there, siguro ngayon mabe-bless pa kayo. Pagpapalain pa kayo ng Dakilang Ama.

"But you’re not like that, e. All you see is money rin, e."

Si Pastor Apollo founder ay lider ng Kingdom of Jesus Christ. Siya'y isinilang sa Davao City at dating miyembro ng United Pentecostal Church.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Isa si Pastor Apollo Quiboloy sa mga pinakakontrobersiyal na pinuno ng isang religious sect dahil na rin sa mga kontrobersiyang kinasangkutan nito. Kamakailan lang ay nakasuhan siya ng kasong human trafficking na isinampa ng isa niyang dating miyembro.

Naging kontrobersiyal din ang kanyang pahayag hinggil sa umano'y pagpapatigil niya ng lindol sa Mindanao.

POPULAR: Read more about ABS-CBN shutdown here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel