Netizen, ibinahagi ang karanasan sa nabiling umano'y "buto ng succulents"

Netizen, ibinahagi ang karanasan sa nabiling umano'y "buto ng succulents"

- Ibinahagi ng isang netizen ang kanyang karanasan sa pagbili ng buto ng halaman online

- Ayon sa kanya, "succulent" ang kanyang biniling mga buto sa isang online shopping marketplace platform

- Inalagaan niya umano ang mga buto na kanyang itinanim hanggang sa unti-unti nang lumabas ang dahon ng mga ito

- Ikinadismaya niya ito dahil hindi succulents ang tumubong mga halaman

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinadismaya ng isang netizen ang kanyang biniling mga buto sa isang online shopping marketplace platform. Ito ay matapos niyang madiskubreng hindi totoong succulents ang kanyang nabili.

Viral sa social media ang post ng isang Facebook user na may pangalang Spear Weelt Smallen. Ibinahagi niya ang tungkol sa kanyang karanasan sa pagbili ng seeds na kanyang inalagaan ng todo.

Akalain mo mas inaalagaan ko pa to kesa sa sarili ko. Araw2x dinidiligan bago pumasok sa school taz pgdating ng bahay parang sira ulong kinakausap mga munting halaman na unti unting nagsusulpotan na sana magmadaling lumaki(excited bes eh)...

Ang kanyang kasiyahan nang makita ang sumusulpot na dahon ay napalitan ng pagtataka dahil sa umano'y kakaibang dahon nito na malayo sa kanyang inaasahan.

Ang saya ko nong nakita kong nagkakadahon na yung mga buto na tinanim ko...At aba naman sa pg daan ng ilang araw ngsimula na akong magtaka kakaiba yung dahon na tumubo di ko mawari kung damo o saluyot paglaki nila
Netizen, ibinahagi ang karanasan sa nabiling umano'y "buto ng succulents"

Netizen, ibinahagi ang karanasan sa nabiling umano'y "buto ng succulents"
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kabila ng kanyang pagkadismaya, napagdesisyunan niyang alagaan pa rin ang halaman sa pag-asang baka mamulaklak iyon.

Umani ng samu't-saring reaksiyon mula sa mga netizens ang post na ito na nag-viral na noong 2019. Muli itong naging usap-usapan ngayon dahil sa nauuso ang pag-aalaga ng mga succulents.

Sa panibagong post, muling pinaalalahanan ng nasabing netizen ang mga taong mahilig sa succulents na maging maingat sa mga binibili online para hindi magaya sa kanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Isa sa problema sa pag-oorder sa mga online sellers ay ang mali o hindi tamang item ang natatanggap ng mga customer. Maging ang ilang mga artista ay nabiktima na rin ng ganitong modus kagaya na lamang ng mag-asawang Regine at Ogie Alcasid.

Hindi napigilang mag-react ng ilang celebrities sa karanasang ito ng mag-asawa.

POPULAR: Read more viral news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel