Kawawa naman! Seaman, hiniwalayan ng gf matapos ubusin ang pera niya at biglang ikakasal na sa iba

Kawawa naman! Seaman, hiniwalayan ng gf matapos ubusin ang pera niya at biglang ikakasal na sa iba

- Naging viral sa social media ang kwento ng isang seaman na iniwan at niloko ng girlfriend niya

- Ayon sa seaman, dalawang linggo pa lang silang magkahiwalay ng babae ay nabalitaan niyang ikakasal na pala ito sa iba

- Gustong singilin ng seaman ang babae sa nagastos niya rito dahil malaking halaga talaga ito

- Giit niya, dapat mag-ingat ang mga kapwa seaman niya sa ganitong klase ng “modus”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang seaman ang nagbahagi ng kanyang nakakalungkot na kwento noong maghiwalay sila ng girlfriend niya.

Nalaman ng KAMI na matapos umanong gastusan ng malaking pera ang nobya niya ay iniwan na siya nito.

Kawawa naman! Seaman, hiniwalayan ng gf matapos ubusin ang pera niya at biglang ikakasal na sa iba

Photo from Hugot Seaman
Source: Facebook

Ayon sa Facebook post ng Hugot Seaman, kinuwento ng isang sender na hindi niya alam na engaged na pala sa iba ang girlfriend niya.

“The most painful part na malalaman mo ang girlfriend mo engaged sa iba. akala ko pa naman nadepress ka dahil naghiwalay tayo,” sabi niya.

“2 weeks palang nung hiwalayan moko ngayon pala ikakasal kana. Thank you sa lahat!” dagdag pa niya.

Gusto rin singilin ng lalaki ang naging nobya niya dahil umabot sa P150,000 umano ang nagastos niya rito.

“Magbayad ka utang may pang kasal ka dapat may pambayad ka. 150k din yan,” giit ng sender.

“Lahat2 binigay ko sayo. kung naging totoo ka sakin edi sana di tayo aabot sa ganito,” dagdag niya pa.

Nagbigay babala naman ang lalaki sa mga kapwa seaman niya na mag-ingat saw “modus” na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa naunang balita ng KAMI, isang OFW ang pinagpalit umano ng kanyang seaman na fiancé sa iba matapos mamatay ang kanilang baby.

Bukod pa rito, isang seaman naman ang nasalisihan umano ng isang sundalo sa misis niyang nabuntis at binahay pa nito.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel