Ann Belarmino, pinalakpakan ng mga taga-suporta sa kanyang pag-uwi

Ann Belarmino, pinalakpakan ng mga taga-suporta sa kanyang pag-uwi

- Sinalubong ng masayang palakpakan at hiyawan si Ann Shiela Belarmino sa kanyang pag-uwi matapos arestuhin ng Calamba police kamakailan

- Si Belarmino ang itinuturong "mastermind" umano sa karumdal-dumal na pagpatay sa dalagang driver na si Jang Lucero

- Pero mariin nitong itinanggi ang akusasyon at iginiit na siya ay inosente sa krimen

- Pinalaya rin ito ng pulisya dahil sa umano'y kakulangan ng ebidensiya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Masayang palakpakan at hiyawan ang sumalubong kay Ann Shiela Belarmino sa kanyang pag-uwi matapos arestuhin ng Calamba police noong July 3.

Sa video na ibinahagi ng netizen na si Yd Nad sa Facebook, makikita ang saya sa mukha ng 20-anyos na dalaga na sinalubong ng mahigpit na yakap ng kanyang ina.

Si Belarmino ang itinuturong "mastermind" umano sa karumal-dumal na pagpatay sa dalagang driver na si Jang Lucero na natagpuang tadtad ng saksak sa loob ng kanyang kotse sa Calamba, Laguna noong June 28.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pero mariing itinanggi ni Belarmino ang akusasyon na sangkot siya sa krimen. Sa panayam dito sa 24 Oras ng GMA News, iginiit nito na inosente siya at maaaring na-set up lamang.

Depensa ni Belarmino, nakikipag-inuman siya sa ibang lugar noong gabi ng krimen. Itinanggi rin nito na hindi siya ang babaeng nakuhanan ng CCTV na kasama ang dalawang lalaki na hinihinalang mga suspek sa krimen.

Kahapon, July 9, pinalaya ng pulisya si Belarmino dahil sa kakulangan umano ng ebidensiya.

Sabi pa ng Calamba police, hahanap sila ng karagdagang ebidensiya laban kay Belarmino.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Suma-sideline si Jang Lucero bilang private driver gamit ang kanyang sasakyan matapos mawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Sa ulat na lumabas, inilahad na ang kalunos-lunos na sinapit ni Lucero mula umano sa mga suspek.

Bukod sa mga ebidensiyang nakalap ng mga pulis sa crime scene, ilang saksi rin umano ang lumutang ayon sa PNP.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel