Lolit Solis, binunyag na may mga tinamaan ng COVID-19 sa lock-in taping ng mga artista

Lolit Solis, binunyag na may mga tinamaan ng COVID-19 sa lock-in taping ng mga artista

- Naglabas ng importanteng detalye si Lolit Solis ukol sa ginagawang lock-in taping ng mga artista ngayon

- Aniya, kalat na kalat na sa showbiz industry na marami na ang tinamaan ng COVID-19 dahil sa lock-in taping

- Subalit, hindi naman daw papayag ang mga production companies na kumalat ang balitang ito

- Kaya naman, hinikayat ni Manay Lolit na maging honest na lang ang mga artista at buong tapang na amining sila ay mayroong COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang pahayag ni Lolit Solis sa social media, inamin niyang kalat na sa showbiz industry na may mga tinamaan ng coronavirus disease o COVID-19 sa lock-in taping ng mga artista.

Nalaman ng KAMI na ayon kay Manay Lolit, talagang hindi lahat ay ligtas kahit na limitadong tao lang ang pinapayagan sa mga taping ngayon dahil sa banta ng COVID-19.

Lolit Solis, binunyag na may mga tinamaan ng COVID-19 sa lock-in taping ng mga artista

Photo from @missizacalzado on Instagram
Source: Instagram

Ayon sa IG post ni Manay Lolit, hindi raw papayag ang mga production companies na kumalat ang balitang ito dahil baka muling maghigpit ang Department of Health at Inter-Agency Task Force.

“Kalat na kalat na sa showbiz na meron mga tinamaan ni corona virus sa mga naka lock in taping Salve. Pinag-uusapan na na kahit pala lock in hindi parin sigurado na magiging ligtas ka,” aniya.

“Siyempre hindi papayag ang production na kumalat ang balitang ito, dahil baka maging dahilan na mas lalong maghigpit ang DOH at IATF dahil nga parang patunay ito na kahit konting gathering of people lang malaking risk na para sa social distancing,” dagdag niya pa.

Sa ibang Instagram post naman niya, hinikayat ni Manay Lolit na umamin at maging mabuting ehemplo sana ang mga artista kung sila ay tinamaan na ng COVID-19 tulad na lang nila Iza Calzado at Christopher de Leon.

“Nagtataka ako Salve bakit kailangan itago nung iba kung tinamaan ka ng covid 19,” sabi niya.

“Hindi kailangan itago, maging maganda ka ngang ehemplo para lumakas ang loob ng tao, makita na nagkasakit ka ,nakaligtas at gumaling, at heto , balik trabaho ka like Christopher at Iza na ngayon ay nagti taping na uli,” dagdag niya pa.

Kaya naman, hinikayat niya ang mga artista na maging honest na lang at huwag nang matakot.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging ang mga artista nga sa bansa ay labis na naapektuhan ng COVID-19. Ilang artista tulad nila Sylvia Sanchez, Iza Calzadao, at Christopher de Leon ang mga naglakas loob na amining nagkaroon sila ng sakit na ito at gumaling din naman.

Dahil nga sa COVID-19, nagsara na rin ang mga comedy bars ng komedyanteng si Allan K. Binahagi ni Manay Lolit kung ano ang mga ginawa ni Allan K upang iligtas ang mga ito bago pa tuluyang magsara.

Samantala, sinabi rin ni Manay Lolit na maaaring hindi na matuloy ang show ni Kris Aquino sa TV5.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel