Pinalayang suspek sa pagpaslang kay Jang Lucero, sinalubong ng kanyang pamilya

Pinalayang suspek sa pagpaslang kay Jang Lucero, sinalubong ng kanyang pamilya

- Nakalaya na ang sinasabing suspek sa pagpaslang sa lady driver na si Jang Lucero

- Mabilis na kumalat sa social media ang larawang nagpapakita na nakalabas na ito ng kulungan matapos ang nasa isang linggo na pagkakakulong

- Bakas sa mukha ng kanyang pamilya ang kasiyahan na nakalaya na si Ann Shiela Belarmino dahil sa kakulangan sa ebidensya

- Minsan na niyang naitanggi ang pagkakasangkot sa kaso at natapang din siyang sinabi na sisiguraduhin niyang lalabas din ang katotohanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinalayang suspek sa pagpaslang kay Jang Lucero, sinalubong ng kanyang pamilya

source: Omar de Leon
Source: Facebook

Pinalaya na si Ann Shiela Belarmino, ang sinasabing isa sa anim na suspek sa malagim na pagpaslang kay Jang Lucero.

Nalaman ng KAMI na kakulangan sa ebidensya ang dahilan kung bakit pinalaya na si Belarmino na nakulong sa loob ng halos isang linggo.

Matatandaang sa ekslusibong panayam ng 24 Oras kay Belarmino, mariing itinanggi na niya ang pagkakaugnay niya sa karumal-dumal na krimen.

Sa post ng The Boyle Family Supporters, pinasalamatan din si Atty. Joel Huertas na siyang tumulong upang malinis ang pangalan ni Belarmino sa kaso.

Mabilis na ring kumalat ang mga larawan ng kaanak ni Belarmino na masayang sumalubong sa paglaya ni Ann Shiela.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Bakas sa mukha nila ang kasiyahan na nakalaya agad ang kaanak na wala naman daw talagang kinalaman sa pagpatay kay Lucero.

Minsan nang nabanggit ng Calamba City Police na mabigat ang hawak nilang ebidensya laban kay Belarmino.

Kaya naman ngayon na nakalaya na ito, patuloy ang isasagawang follow-up operations upang mabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ni Lucero.

Hunyo 28 nang matagpuang wala nang buhay ang lady driver na si Jang Lucero sa loob mismo ng kanyang kotse.

Rumaraket si Lucero bilang private driver mula nang mawalan ng trabaho dahil sa lockdown.

Nadawit ang pangalan ni Ann Shiela Belarmino dahil sa sinasabing saksi na nagpapatunay na siya ang babaeng nakunan ng CCTV na huling naging pasahero ni Lucero bago ito napaslang.

Nakatulong din daw sa pagkakahuli nito ang tattoo na nakita sa babaeng nasa CCTV na mayroon din si Belarmino.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel