Nakaka-inspire! Waiter, proud na nakapagpatayo ng sariling bahay

Nakaka-inspire! Waiter, proud na nakapagpatayo ng sariling bahay

- Binahagi ng waiter na si Jhay Suarez Tuyor ang nakaka-iinspire niyang kuwento kung paano niya naipatayo ang pangarap na bahay

- Maganda, malawak at halatang ginastusan ang bahay ni Jhay na katas ng pagiging waiter niya sa loob ng walong taon

- Nakaranas man ng pangmamaliit dahil sa kanyang hanapbuhay, pinatunayan naman niyang may mararating ang tulad niyang nakapagpundar na ng mga ari-arian

- Payo niya, huwag basta sukuan ang pangarap dahil tiyak na ito'y matutupad kung may tamang tiyaga at determinsayon kang gagawin upang makamit ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakabilib ang kwento ng tagumpay ng waiter na si Jhay Suarez Tuyor na nakapagpundar na ng sarili niyang bahay.

Nalaman ng KAMI na walong taon niya itong pinaghirapan at pinag-ipunan at marami na rin siyang pinagdaanan makamit lamang ang pangarap niyang ito.

Aminadong nakaranas din siya ng pangungutya at pagmamaliit sa kanyang hanapbuhay ngunit hindi niya ito dinamdam.

Sa halip, mas naging determinado pa siya sa kanyang trabaho para mapatunayan na may mararating parin ang kayang pagiging waiter.

Determinado kasi siyang makamit ang mga dati lamang niyang pinapangarap na ngayon at naisakatuparan na niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa loob ng walong taon na pagiging waiter, nakaipon siya ng pampatayo ng napakaganda niyang bahay.

"Nga po pala , sa pagiging waiter ko po ng mahigit walong taon (2004-2012) napatayo ko po yung pangarap kong bahay. Yung may malaking garahe at napakalaking kitchen. Unti-unti po yan . bawat sentimo po ng sweldo ko diyan," buong pagmamalaki ng masipag na waiter.

Payo ni Jhay, huwag basta mapapagod at susuko. Huwag ding basta magpapatukso sa mga luho. Importanteng unahin ang mga ari-arian dahil mas masarap daw magpakasarap sa bandang huli.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng kanyang post kung saan makikita ang magara niyang bahay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel