Nakakaawa! Video ng lola na pinalayas sa tirahan, umantig sa puso ng netizens

Nakakaawa! Video ng lola na pinalayas sa tirahan, umantig sa puso ng netizens

- Viral ang video ng isang lola na napalayas sa kanyang tinitirhan

- Awang-awa ang mga nakapanood ng viral video na ito dahil wala nang nagawa ang matanda kundi ayusin ang kanyang mga gamit na iinilalabas ng may-aring nagpapalayas sa kanya

- Maririnig na ipinagtatanggol ng kumukuha ng video ang lola dahil sa kalunos-lunos na sinapit nito lalo pa at umuulan nang maganap ang pagpapalayas

- Hangad ng mga netizens na may mapupuntahang masisilungan ang matanda lalo na at napakahirap ng pamumuhay ngayon dala ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kumurot sa puso ng netizens ang video ng isang lola na pinalalayas na ng may-ari ng tinitirhan niyang bahay.

Kitang-kita sa video na binahagi ng Philippines Trending & Funny Videos kung paano ihagis ng sinasabing may-ari ng bahay ang mga gamit ng kaawa-awang lola.

Hindi raw umano makabayad ang matanda sa upa kaya maririnig sa video na nabanggit pa ng may-ari na hindi katangap-tangap ang mga lumang gamit ng lola bilang pambayad sa kanyang renta.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mapapansin ding ipinagtatanggol ng kumukuha ng video ang lola na hindi na lamang nagsasalita at inaayos na lamang ang gamit na inilalabas ng may-ari.

Nabanggit din ng kumukuha ng video na tila may napag-usapan na sila sa barangay na hindi muna dapat pinaalis ang kaawa-awang matanda.

Umuulan pa naman nang araw na pinalayas ang lola kaya mas lalong naging mahirap ang kalagayan nito.

Ngunit kahit anong pakiusap at pagtatanggol ng ng kumuha ng video, hindi na lumambot pa ang puso ng nagpalayas sa matanda.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video na binahagi Philippines Trending & Funny Videos:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel