Itinurong suspek sa pagkamatay ni Jang Lucero, pinalaya ng mga pulis

Itinurong suspek sa pagkamatay ni Jang Lucero, pinalaya ng mga pulis

- Pinalaya ng mga pulis ang babaeng itinuturong suspek sa pagkamatay ni Jang Lucero na kinilalang si Ann Shiela Belarmino

- Ayon sa ulat na lumabas, kulang sa ebidensiya para sampahan ng kasong pagpatay ang 20-anyos na si Belarmino

- Una nang itinanggi ng dalaga ang akusasyon na siya ay sangkot sa malagim na pagkamatay ni Lucero na nagtamo ng 52 saksak

- Sabi naman ng Calamba police, kakalap pa raw sila ng karagdagang ebidensiya laban kay Belarmino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinalaya ng mga pulis ang 20-anyos na dalagang itinuturong isa sa mga suspek sa pagkamatay ng babaeng driver na si Jang Lucero.

Itinurong suspek sa pagkamatay ni Jang Lucero, pinalaya ng mga pulis

Photo from Facebook
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng Unang Balita sa GMA News, pinalaya si Belarmino dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Nauna na nitong itinanggi na sangkot siya sa karumal-dumal na pagpaslang kay Lucero na nagtamo ng 52 saksak at natagpuang walang buhay sa loob ng kanyang sasakyan sa Calamba, Laguna noong nakaraang linggo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa isang panayam dito ng 24 Oras, sinabi nitong nasa ibang lugar siya noong gabi na nangyari ang krimen. Itinanggi nito na siya ang babaeng nakuhanan ng CCTV kasama ang dalawa pang lalaki na hinihinalang may kinalaman din sa krimen.

Pero inamin nito na naging karelasyon nito ang nobya ni Lucero na Meyah Amatorio noon lamang Pebrero 2020 ngunit nakipaghiwalay din umano siya rito nang malamang makikipagbalikan na ito sa biktima.

Samantala, ayon sa Calamba police, hahanap pa sila ng karagdagang ebidensiya laban kay Belarmino.

Dati nang sinabi ng PNP na matibay ang kanilang ebidensiya para masampahan ng kaso si Belarmino.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Suma-sideline si Jang Lucero bilang private driver gamit ang kanyang sasakyan matapos mawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Sa ulat na lumabas, inilahad na ang kalunos-lunos na sinapit ni Lucero mula umano sa mga suspek.

Naaresto noong July 3 ang itinuturong mastermind na si Ann Shiela Belarmino ngunit mariin nitong itinanggi ang akusasyon.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel