Love at first sight! Magkasintahang nagkakilala sa quarantine facility, plano na magpakasal

Love at first sight! Magkasintahang nagkakilala sa quarantine facility, plano na magpakasal

- Tampok sa social media ngayon ang isang babae at lalaking nagkakilala sa quarantine facility

- Ilang araw matapos nilang magkakilala ay nahulog na agad ang loob nila sa isa’t-isa

- Lalo na noong matapos haranahin ng lalaki ang babae habang naka-quarantine sila

- Ngayon, plano na nilang magpakasal dahil suportado rin ito ng pamilya nilang dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral sa social media ang isang babae at lalaki na nagkakilala sa isang quarantine facility sa Jose Abad Santos sa Davao Occidental.

Nalaman ng KAMI na matapos nilang magkakilala habang naka-quarantine ay nahulog na ang loob nila sa isa’t isa.

Love at first sight! Magkasintahang nagkakilala sa quarantine facility, plano na magpakasal

Photo from Latest Chika
Source: Facebook

Sa ulat ng Latest Chika (isinulat ni Rossane Ramos), sabay dumating ang dalawa sa kanilang probinsya noong Hunyo 17. Dahil galing sila sa ibang lungsod, kinailangan nilang sumailalim sa quarantine.

Si Jiel Melda ay 22 anyos, samantalang si Mirasol Miguel naman ay 17 taong gulang pa lang. Subalit, hindi naging hadlang ang edad nila sa kanilang pagmamahalan.

Sabi ng mga nagbabantay sa quarantine facility, sa mga unang araw na magkakilala ang dalawa ay ramdam na kaagad ang spark dito.

Para makuha ang loob ni Mirasol, hiniram ni Jiel ang gitara ng kanyang kapatid upang haranahin ang dalaga ng kanta ni Juan Karlos Labajo na Buwan.

Hindi nagtagal ay nagkaaminan na sila ng nararamdaman nila sa isa’t-isa. Nitong Hulyo 2 ay nakalabas na sila ng quarantine facility. Nagkausap na rin ang pamilya nilang dalawa at suportado ng mga ito ang plano nilang magpakasal.

Dahil galing sa tribo ng mga Manobo si Mirasol, pwede siyang magpakasal kahit menor de edad siya.

“They will undergo tribal marriage rites based on customary laws, but the marriage certificate will only be issued when the parties reach the age of maturity,” sabi ni Mayor Jason John Joyce.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang balita ng KAMI, may matalik na magkaibigan na inabutan ng enhanced community quarantine sa Baguio. Habang lockdown, nagkaaminan din sila ng feelings nila at isa nang ganap na magkasintahan ngayon.

Sa ibang balita naman, isang magkasintahan ang nagpakasal sa Samar at ipinasilip ang “new normal” sa mga kasal sa simbahan ngayong may pandemya sa bansa.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel