Mensahe ng nobya ni Jang Lucero sa 1 video, viral na sa social media

Mensahe ng nobya ni Jang Lucero sa 1 video, viral na sa social media

- Mabilis na nag-viral sa social media ang video ng nobya ng babaeng driver na natagpuang tadtad ng saksak sa loob ng kanyang sasakyan sa Calamba, Laguna

- May mga netizens kasi na naniniwala na sangkot umano ito sa pagkamatay ng biktimang si Jang Lucero

- Isang 20-anyos na dalaga naman ang naaresto ng mga pulis kamakailan na siyang itinuturong "mastermind" umano sa krimen

- Pero bukod sa pag-amin na dati nitong nakarelasyon ang nobya ni Lucero, mariin nitong itinanggi ang akusasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Viral ngayon sa social media ang video ng nobya ng babaeng driver na natagpuang tadtad ng saksak sa loob ng kanyang sasakyan sa Calamba, Laguna noong nakaraang linggo.

Sa nasabing video na ibinahagi ng Facebook page na The Boyle Family Supporters, isang mensahe ang inihayag ni Meyah Amatorio para sa mga naninira raw sa kanya.

Mensahe ng nobya ni Jang Lucero sa 1 video, viral na sa social media

Photo from Jang Lucero Facebook account
Source: Facebook

"Sa lahat ng mga ninira sakin, sana po magtagumpay kayo. 'Yun lamang po. Maraming salamat," ani Amatorio sa video.

May mga netizens kasi na naniniwalang sangkot umano si Amatorio sa malagim na pagkamatay ni Lucero.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang pahayag ang dalaga at maging ang mga kaanak ni Lucero ukol dito. Ipinauubaya na lang daw ng mga ito ang kaso sa mga pulis.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa ngayon, naka-private na ang Facebook account ni Amatorio.

Umani naman ng samu't saring reaksyon mula sa mga netizens ang nasabing video.

Samantala, isang 20-anyos na dalaga naman ang inaresto ng mga pulis na itinuturong "mastermind" umano sa pagpatay kay Lucero.

Kinilala itong si Ann Shiela Belarmino na napag-alamang dating nakarelasyon ni Amatorio.

Kinumpirma ni Belarmino ang kaugnayan kay Amatorio sa isang panayam sa 24 Oras pero mariin nitong itinanggi ang akusasyong sangkot siya sa pagkamatay ni Lucero.

Pinalaya rin ito ng mga pulis kinalaunan dahil umano sa kakulangan ng ebidensiya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Suma-sideline si Jang Lucero bilang private driver gamit ang kanyang sasakyan matapos mawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Sa ulat na lumabas, inilahad na ang kalunos-lunos na sinapit ni Lucero mula umano sa mga suspek.

Bukod sa mga ebidensiyang nakalap ng mga pulis sa crime scene, ilang saksi rin umano ang lumutang ayon sa PNP.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel