76-anyos na walang paningin, dumiskarte ng paggawa ng bahasan para may kitain

76-anyos na walang paningin, dumiskarte ng paggawa ng bahasan para may kitain

- Hinangaan ng marami ang 76-anyos na bagama't walang paningin nakuha pa ring dumiskarte ng pagkakakitaan

- Nawalan daw ito ng trabaho dahil sa pandemya kaya naman malaking bagay na nakahanap siya ng iba pang raket

- Ito raw ang pinagkukunan niya ngayon ng pantustos sa pangangailangan ng kanyang pamilya

- Hangad ng marami na maabutan ng tulong ang lola habang ang iba naman ay nais pakyawin ang mga ginagawa nitong basahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

76-anyos na walang paningin, dumiskarte ng paggawa ng bahasan para may kitain

Nawalan ng trabaho si Nanay Rita ngunit nakadiskarte naman siya ng bagong pagkakakitaan.
Source: Facebook

Nakaka-inspire ang kasipagan ng 76-anyos na lola sa Gabriela Silang, Baguio City na nakuha pa ring rumaket matapos mawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Nalaman ng KAMI na isa ang lola na si Rita Tabajonda sa maraming Pilipinong natigil ang hanapbuhay dahil sa paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

Binahagi ng Philippine Star ang mga larawan ni Nanay Rita habang ginagawa niya ang mga basahan na siyang pinagkakakitaan niya ngayon.

₱25 ang benta niya sa mga foot rugs na kanyang nagagawa mula sa mga natatanggap niyang retaso ng tela.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Minsan naman ay mula sa mga damit na hindi na ginagamit kaya napapakinabangang muli sa paggawa naman ng basahan.

Malaking bagay na raw ito sa kanila dahil mayroon na silang napapagkunan ng panggastos ng kanilang pamilya sa araw-araw.

Dahil dito, marami ang nais magparating ng tulong kay Nany Rita habang ang iba naman ay nais pakyawin ang mga paninda nitong foot rugs.

Nararapat lamang daw na pamarisan ang kasipagan ng matanda na sa kabila ng edad at kondisyon, nagagawa pa ring magbanat ng buto para mabuhay ang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"God bless, Nanay! Praying for you po"
"Buti pa si nanay madiskarte, saludo po ako sa inyo sana mapadalhan ko kayo ng tulong"
"Kung malapit lang ako pinakyaw ko na ang paninda niya"
"Ito yung masarap tulungan, yung alam mong nagsusumikap. Sana makilala at matulungan kita lola"
"Nakaka-inspire si lola, sa kabila ng pandemya hindi sumuko, partida pa bulag siya pero tuloy ang buhay! God bless you po"

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel