Baka naman! Mag-asawang magka-angkas sa motor, dala pa ang malaking wedding pic bilang patunay

Baka naman! Mag-asawang magka-angkas sa motor, dala pa ang malaking wedding pic bilang patunay

- Nitong Huwebes ng umaga ay inanunsyo na papayagan na sa Biyernes ang mag-asawang magka-angkas sa motorsiklo

- Subalit, sabi ng Palasyo ay kailangan daw ng ID o kopya ng marriage certificate upang patunay na mag-asawa talaga ang dalawang sakay ng motor

- Kaya naman, naisip ng isang mag-asawa na dalhin na lang din ang malaking wedding picture nila bilang patunay

- Maging ang mga netizens ay giliw na giliw sa kakaibang diskarte ng mag-asawang ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Noong ipinatupad ang community quarantine, mahigpit na ipinagbabawal ng pamahalaan ang pag-angkas sa motor para na rin sa kaligtasan ng mga tao.

Nalaman ng KAMI na kanya-kanyang diskarte naman ang mga Pinoy sa panukalang ito.

aka naman! Mag-asawang magka-angkas sa motor, dala pa ang malaking wedding pic bilang patunay

Photo from Philstar
Source: Facebook

Kinagiliwan ng mga netizens ngayon sa social media ang larawan ng isang mag-asawang magka-angkas sa motor.

Sa Facebook post ng page na Di Umano, kita ang magka-angkas na mag-asawa na may dala pang kopya ng marriage certificate at malaking wedding picture nila na naka-frame bilang patunay na mag-asawa talaga sila.

Samantala, giliw na giliw naman ang mga netizens sa kakaibang paraan ng mag-asawang ito. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook page ng Di Umano:

“kulang pa Yan dapat suit nyo yung damit pangkasal”
“wala pa naman kmi ganyan kalaki picture .pede po ba kahit sa celfon lang po”
“2 in 1...pwede ng pangharang sa gitna nila”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nitong Huwebes ng umaga ay inanunsyo na ng Department of Interior and Local Government na sa Biyernes ay papayagan nang magka-angkas ang mag-asawa sa motorsiklo.

Sabi ni Interior Secretary Eduardo Ano, ang mga mag-asawa at live-in partners muna ang papayagan na magka-angkas dahil sa iisang bahay lang din naman umuuwi ang mga ito.

Subalit, sabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kailangan ng ID o kopya ng marriage certificate upang magsilbing katibayan na mag-asawa talaga sila.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel