17-anyos na nakadalo pa ng church gathering, nasawi dahil sa COVID-19

17-anyos na nakadalo pa ng church gathering, nasawi dahil sa COVID-19

- Binawian ng buhay ang isang 17-anyos na dalagita na tinamaan ng COVID-19

- Pinaniniwalaang nakuha umano niya ang naturang virus nang dumalo siya ng isang pagtitipon ng kanilang simbahan na dinaluhan ng nasa 100 katao

- Napag-alamang nagpositibo rin sa COVID-19 ang iba pang dumalo sa naturang pagtitipon

- Naglabas din ng opisyal na pahayag ang kanilang simbahan kung saan nilinaw nilang hindi umano "COVID-19 party" ang kanilang isinagawa tulad ng akusasyon ng marami

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

17-anyos na nakadalo pa ng church gathering, nasawi dahil sa COVID-19

Hunyo 23 nang pumanaw si Carsyn Leigh Davis, dalawang araw matapos siyang magdiwang ng 17th birthday
Source: Instagram

Pumanaw ang 17-anyos na si Carsyn Leigh Davis matapos na tamaan ito ng COVID-19.

Nalaman ng KAMI na nakadalo pa umano ang dalagita ng isang church gathering noong Hunyo 10 kung saan pinaniniwalaang nakuha ni Carsyn ang virus.

Ayon sa ulat ng BuzzFeed News, nasa 100 katao ang dumalo ng pagtitipon at sinabing hindi naisagawa ang social distancing na isa sa mga saftey protocols kontra COVID-19.

Mayroon ding naramdaman ang dalagita na tinatawag na opsoclonus-myoclonus syndrome na isa ring dahilan kung bakit di kinaya ng sistema ng kanyang pangangatawan ang bagsik ng virus.

Nabanggit pa ng ina nito na sinubukan pa muna nilang painumin ang dalagita ng hydroxychloroquine, na isa ngayon sa sinasabing maaring maging gamot sa COVID-19 ngunit hindi rekomendado ng US Food and Drug Administration.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hunyo 19 nang dalhin na si Carsyn sa ospital kung saan nakumpirma nilang positibo nga ito sa virus.

Tatlong araw pa bago makumbinsi ang mga magulang ni Carsyn na kailangan na siyang malagyan ng tube support.

Ngunit isang araw lamang mula nang ma-intubate ito, binawian na rin ng buhay ang dalagita.

Aktibong miyembro ng First Youth Church (FYC) si Carsyn na nagpahayag din ng pakikiramay sa pamilya nito sa maaga nitong pagkawala.

Ngunit nilinaw din ng naturang simbahan na hindi "COVID-19 party" ang ginawa nilang pagtitipon gayung nagpositibo rin ang ilan pang miyembro nila na dumalo sa pagtitipon.

Ang COVID-19 party kasi ay isang pagtitipon na lumalaganap di umano sa ilang bahagi ng Estados Unidos.

Sa naturang pasinaya, bibigyan ng premyo ang unang magkakaroon ng virus matapos na mahawa sa mga dumalo na meron na nito.

Naglabas ng opisyal na pahayag ang FYC at sinabing sumunod sila sa mga health protections & protocols taliwas sa mga lumalabas na paratang sa kanila.

Kasalukuyan pa ring nangunguna ang USA sa pinakamaraming kaso ng COVID-19 na naitala ayon sa worldometers.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel