Sari-sari store owner, pinaslang sa loob mismo ng kanyang tindahan sa Cotabato

Sari-sari store owner, pinaslang sa loob mismo ng kanyang tindahan sa Cotabato

- Pinagbabaril ng isang hindi pa nakikilalang lalaki ang 38-anyos na sari-sari store owner sa Cotabato

- Bandang alas-sais ng gabi nang lapitan umano ng suspek ang biktima sa loob ng tindahan nito

- Nagawa pang mag-report sa pulisya ng biktima bago ito mapatay at sinabing mayroon daw nagbabanta sa kanyang buhay

- Inaalam pa ng awtoridad ang motibo ng suspek kung bakit nagawa niya ito sa biktima

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naganap ang krimen sa loob mismo ng tindahan ng biktima

Naganap ang krimen sa loob mismo ng tindahan ng biktima
Source: Facebook

Ilang tama ng bala ang natagpuan sa katawan ng 38-anyos na si Jovy Polloso matapos na siya'y paslangin sa loob mismo ng kanyang tindahan noong Miyerkules, Hulyo 8 ng gabi.

Nalaman ng KAMI na nagbabantay lamang ang biktima ng kanyang tindahan bandang alas-sais ng gabi nang biglang lapitan siya ng isang di pa nakikilalang lalaki at saka siya pinagbabaril.

Ayon sa ulat ni Lerio Bompat ng ABS-CBN, nagawa pa umanong magsumbong sa pulisya ng babaeng ito na nakatatanggap umano siya ng pagbabanta sa kanyang buhay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa dami ng natamo nitong bala sa katawan, hindi na nadala pa ng buhay sa ospital ang babae.

Patuloy ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng pulisya at inaalam pa nila ang motibo ng pagpaslang sa biktima.

Ito raw ang ika-36 na naitalang krimen sa lugar mula pa noong Enero ng kasalukuyang taon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, hindi naman ito nalalayo sa misteryo ng pagpatay sa lady driver na si Jang Lucero.

Bagaman at nahuli na ang sinasabing "mastermind" sa malagim na krimen, mariing itinatanggi pa rin ng akusadong si Ann Shiela Belarmino ang kaugnayan niya sa kaso.

Ngunit sa kabila ng pagtangging ito ni Belarmino, kumpiyansa ang pulisya na malakas ang hawak nilang ebidensya laban sa suspek.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel