Taho vendor na mahigit tatlong buwang walang kita, dinagsa ng tulong mula sa mga suki

Taho vendor na mahigit tatlong buwang walang kita, dinagsa ng tulong mula sa mga suki

- Dinagsa ng tulong ang taho vendor na si Bon Gaufo mula sa mga suki niya sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City

- Mahigit tatlong buwan itong walang kita dahil sa enhanced community quarantine na ipinatupad noong Marso kaya hindi na siya nakapagtinda mula noon

- Mayroon namang naisubing pera ang taho vendor para sa pagpapaayos ng kanilang tirahan ngunit nagalaw niya ito

- Mabuting tao at masayahin si Bon kaya naman naalala siya ng kanyang mga suki na gumawa ng paraan upang matulungan siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Taho vendor na mahigit tatlong buwang walang kita, pinadalhan ng tulong ng kanyang mga suki

Bon "Kuya Bon" Gaufo
Source: Facebook

Isa ang taho vendor na si Bon Gaufo sa mga hindi nakapaghanapbuhay mula nang malagay sa enhanced community quarantine (ECQ) noong Marso.

Nalaman ng KAMI na mahigit tatlong buwang walang kinita si "Kuya Bon" na nakapwesto sa College of Human Kinetics (CHK) building ng University of the Philippines sa Diliman.

Sa normal na araw, umaabot ang kita niya sa ₱1,000-₱1,500 kaya naman kahit na paano ay nakakaipon siya.

Katunayan, may naisubi na siyang ₱15,000 na nilalaan niya sa pagpapagawa ng kanilang tirahan.

Ngunit nang maitaas ang ECQ bilang pag-iingat sa paglaganap ng COVID-19, ang kanyang ipon ang nagamit ng kanilang pamilya para maitawid ang pang-araw araw nilang pangangailangan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Subalit habang tumatagal, hindi rin sumasapat ang naipong pera kaya naman laking pasalamat niya nang madalhan sila ng tulong mula sa kanyang mga suki sa UP CHK.

Tumatak sa kanyang mga suki ang kanyang kabutihan, pagiging masayahin at maayos nitong pakikitungo.

Kaya naman sa panahong alam nilang nakararanas ng kagipitan ang kanilang Kuya Bon, hindi nila ito nakalimutang tulungan.

Laking gulat ng misis ni Bon sa tulong na natanggap. Ngunit nang malaman niya ang dahilan, humanga siya sa kanyang mister na namuhunan daw ng kabutihan sa kapwa kaya naman bumabalik din ito sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuang panayam ng Better Normal PH kay Bon Gaufo:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel