Puting van, lumusot mula sa 2nd-level parking area ng 1 gusali sa Cebu
- Nakuhanan ng isang netizen ang isang van na lumusot mula sa second-level ng parking area ng isang gusali sa Cebu
- Sa mga larawang ibinahagi ng netizen makikita ang puting van na halos mahulog na mula sa ikalawang palapag ng parking area
- Ayon sa pulisya, wala raw nag-report ng insidente at napag-alaman lamang dahil sa report ng isang local news outlet
- Agad naman daw na rumesponde ang mga awtoridad sa lugar ngunit hindi na nila nadatnan ang van sa pinangyarihan ng insidente
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see
Halos mahulog na ang isang puting van mula sa second-level ng parking area ng isang gusali sa Cebu IT Park sa Barangay Apas.
Nakuhanan pa ito ng isang netizen na hindi na nagpakilala pa ayon sa report ng Cebu Daily News (Reporter, Alven Marie Timtim).
Sa mga larawang ibinahagi ng netizen makikita ang puting Toyota van na lumusot mula sa ikalawang palapag ng parking area.
Makikita rin sa mga larawan ang mga debris sa labas ng gusali na indikasyon umano na bumangga ang van sa pader ng gusali.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ngunit ayon sa pulisya, wala umano silang natanggap na report kaugnay ng insidente. Nalaman lamang daw nila ito nang i-report ng CDN.
Agad naman daw na rumesponde ang mga awtoridad sa lugar ngunit hindi na nila nadatnan ang van sa pinangyarihan ng insidente.
Napag-alaman ng mga pulis na inasikaso na ito ng security personnel ng gusali.
Nagpaalala naman ang pulisya sa pamunuan ng gusali na kung mauulit ang pangyayari ay agad itong ipagbigay-alam sa mga awtoridad upang sila ay makatulong.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh