Back-riding sa mag-asawa, papayagan na; prototype na dapat sundin, isinapubliko

Back-riding sa mag-asawa, papayagan na; prototype na dapat sundin, isinapubliko

- Papayagan na ng gobyerno ang magka-angkas na mag-asawa sa iisang motorsiklo

- Kinumpirma ni Interior Secretary Eduardo Año na simula sa Biyernes ay papayagan na ang back-riding sa mga mag-asawa at live-in partners

- Ayon kay Año, inaprubahan na ng National Task Force ang prototype model na dapat sundin ng mga motorista

- Sa ngayon, ang back-riding sa mga mag-asawa pa lang ang aaprubahan dahil patuloy pa rin ang pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inanunsyo ni Interior Secretary Eduardo Año na sa Hulyo 20 (Biyernes) ay papayagad na ang back-riding o pag-angkas sa motorsiklo.

Nalaman ng KAMI na papayagan lang ang back-riding para sa mga mag-asawa at live-in partners.

Back-riding sa mag-asawa, papayagan na; prototype na dapat sundin, isinapubliko

Photo from Philstar
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng GMA News Online, ang mga mag-asawa lang muna ang papayagan dahil patuloy ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

“Para sa couple lang muna kasi tumataas 'yung numero... pag couple iisang bahay lang 'yan,” sabi ni Año.

"Whether they are married or common-law husband and wife... boyfriend or girlfriend but they are living in the same household," dagdag niya pa.

Samantala, sa Facebook post naman ng Philippine Star, isinapubliko na ang prototype na pinasa ni Gov. Arthur Yap na aprubado na ng National Task Force.

"Yes, simula bukas ay papayagan na natin 'yung back-riding para sa mga couples at 'yung prototype model na [ibinigay] ni Governor Arthur Yap ay approved na 'yan... ito 'yung pinaka-prototype na gagamitin natin," giit ni Año.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mula noong ipinatupad ang community quarantine sa Pilipinas, mahigpit na ipinagbabawal na ang pag-aangkas sa mga motorsiklo.

Subalit, isa naman si Cavite Gov. Jonvic Remulla sa nakiusap sa pamahalaan na payagan na ang mga mag-asawa na umangkas sa iisang motor dahil sa iisang bahay naman din ito nakatira.

Samantala, isinulong din ni Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong na magkaroon ng special ID para sa mga mag-asawang pwedeng magka-angkas sa motor.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel