PNP: Saksi, sinabing nakita si Ann Shiela Belarmino sa crime scene

PNP: Saksi, sinabing nakita si Ann Shiela Belarmino sa crime scene

- Nakita umano ng isang saksi si Ann Shiela Belarmino sa mismong crime scene kung saan nakita ang katawan ng pinaslang na si Jang Lucero

- Ayon sa PNP, nakita pa umano ng naturang saksi ang pagbaba ni Belarmino mula sa sasakyan ng biktima

- Ilan pang saksi ang positibong kinilala si Belarmino na siya umanong sumakay sa kotse ni Lucero na nakita pa sa CCTV noong gabi ng krimen

- Una nang itinanggi ng 20-anyos na si Belarmino ang akusasyong sangkot siya sa malagim na pagkamatay ni Lucero

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Positibo umanong kinilala ng mga saksi si Ann Shiela Belarmino ayon sa Philippine National Police.

Si Belarmino ang itinuturong "mastermind" sa karumal-dumal na pagpatay sa 34-anyos na dalagang natagpuang tadtad ng saksak sa loob ng kanyang kotse sa Laguna noong nakaraang linggo.

PNP: Saksi, sinabing nakita si Ann Shiela Belarmino sa crime scene

Photo from Facebook
Source: Facebook

Sa ulat ni John Consulta sa 24 Oras ng GMA News, sinabi ng PNP na nakita umano ng isang saksi si Belarmino sa mismong crime scene kung saan nakita ang katawan ng pinaslang na si Jang Lucero.

Nakita pa umano ng naturang saksi ang pagbaba ni Belarmino mula sa sasakyan ng biktima.

Ilan pang saksi ang positibong kinilala si Belarmino na siya umanong sumakay sa kotse ni Lucero na nakita pa sa CCTV noong gabi ng krimen.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"There are witnesses na nandoon mismo noong sumakay siya at na-identify siya sa CCTV na siya nga si Ann. Another witness na nakakita mismo doon sa crime scene, alighting from the vehicle ng biktima," ayon kay Brigadier General Vic Danao, regional director ng PRO IV-A.

"Baka magkaroon ng positive DNA testing na ‘yong presence mismo ni Ann doon sa crime scene," sabi pa nito.

Una nang itinanggi ng 20-anyos na si Belarmino ang akusasyong sangkot siya sa malagim na pagkamatay ni Lucero.

Depensa nito, nasa ibang lugar siya noong mga oras na iyon at nakikipag-inuman. Inamin naman nito na dati niyang nakarelasyon ang nobya ng biktima na si Meyah Amatorio.

Pero ayon sa PNP, matibay ang mga ebidensiya laban kay Belarmino.

"She can always tell kung ano ‘yong gusto niya but as far as the investigation of the PNP is concerned, we are very definite that we have a strong case against her," ayon kay Danao.

Lima pang mga suspek ang pinaghahanap ng mga pulis na kasabwat umano sa krimen.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Suma-sideline si Jang Lucero bilang private driver gamit ang kanyang sasakyan matapos mawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Sa ulat na lumabas, inilahad na ang kalunos-lunos na sinapit ni Lucero mula umano sa mga suspek.

Naaresto noong July 3 ang itinuturong mastermind na si Ann Shiela Belarmino ngunit mariin nitong itinanggi ang akusasyon.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel