Ann Shiela Belarmino, may ibinunyag tungkol sa GF ni Jang Lucero

Ann Shiela Belarmino, may ibinunyag tungkol sa GF ni Jang Lucero

- Inamin ni Ann Shiela Belarmino na dati nga niyang nakarelasyon ang nobya ng pinatay na si Jang Lucero

- Anito, naging sila ni Meyah Amatorio noon lamang Pebrero ngunit agad ding natapos

- Nalaman daw kasi niya na nag-aayos na ito at si Lucero kaya naman nakipaghiwalay na rin siya kay Amatorio

- Mariin ding itinanggi ni Belarmino na sangkot siya sa karumal-dumal na pagkamatay ni Lucero

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kauna-unahang pagkakataon ay humarap na sa publiko ang dalagang si Ann Shiela Belarmino matapos arestuhin ng mga pulis dahil sa pagkakasangkot sa pagkamatay ni Jang Lucero.

Sa ulat ni John Consulta sa 24 Oras ng GMA News, inamin ni Belarmino na dati niyang nakarelasyon ang nobya ni Lucero na si Meyah Amatorio.

Ann Shiela Belarmino, may ibinunyag tungkol sa GF ni Jang Lucero

Photo from Meyah Amatorio Instagram account
Source: Facebook

Pebrero ng kasalukuyang taon nang maging sila umano ni Amatorio ngunit agad ding natapos ito.

Nalaman daw kasi niya na makikipagbalikan na ito kay Lucero kaya naman nakipaghiwalay na rin siya kay Amatorio.

"Ex-girlfriend," ito ang sagot Belarmino nang tanungin ito kung ano ang kaugnayan niya kay Amatorio.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Ako ‘yong nakipag-break kasi nalaman kong nakikipag-ayos pala siya kay Jang nang hindi ko naman alam. Nagkakasama talaga sila. Hindi ko naman alam na sa pagsasama nila, nag-aayos na pala sila, hindi ko po alam kaya nakipaghiwalay po ako," dagdag pa nito.

Mariin naman nitong itinanggi na sangkot siya sa karumal-dumal na pagpatay kay Lucero na nagtamo ng 52 saksak.

"Hindi po ako ‘yong nasa video. Puwedeng katulad lang ng buhok ko or ginaya ‘yong tattoo ko dahil noong time na ‘yon ay wala ako doon at nakikipag-inuman ako sa ibang lugar," sabi ni Belarmino.

"Alam ko na lalabas din ‘yong totoo. Sisiguraduhin kong ‘di ako ‘yon at alam ko sa sarili kong inosente ako," sabi pa ng 20-anyos na dalaga.

Pero nanindigan ang PNP na matibay ang ebidensiya laban kay Belarmino at mayroong mga saksi na magpapatunay na naroon ito sa crime scene.

Samantala, pinaghahanap pa rin ang lima pa umanong suspek na kasabwat umano ni Belarmino sa krimen.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jang Lucero ang 34-anyos na dalagang tinadtad ng saksak at natagpuang walang buhay sa loob ng kanyang sasakyan.

Sa ulat na lumabas, inilahad na ang kalunos-lunos na sinapit ni Lucero mula sa mga suspek.

Naaresto noong July 3 ang itinuturong mastermind na si Ann Shiela Belarmino ngunit mariin nitong itinanggi ang akusasyon.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel