Nakauwi na! Foreigner na PWD, 110 na araw tumira sa NAIA dahil sa lockdown

Nakauwi na! Foreigner na PWD, 110 na araw tumira sa NAIA dahil sa lockdown

- Tampok sa social media ang isang foreigner na halos tatlong buwang nanirahan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)

- Kwento ng foreigner, saktong enhanced community quarantine ang pagdating niya sa Maynila

- Dahil sa banta ng COVID-19, nahirapan makahanap ng flight ang foreigner papauwi sa bansa niya

- Dumating siya sa bansa noong Marso 20 at nitong Hulyo 7 lang siya nagkaroon ng flight paalis ng Maynila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral sa social media ang isang foreigner na tatlong buwang tumira sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil inabutan siya ng enhanced community quarantine rito.

Nalaman ng KAMI na kumalat na sa social media ang paghingi ng tulong ng foreigner para makauwi na sa bansa niya.

Nakauwi na! Foreigner na PWD, 110 na araw tumira sa NAIA dahil sa lockdown

Larawan mula sa Facebook post ni Roman Trofimov
Source: Facebook

Sa Facebook post ng Daily Guardian, noong March 20 raw dumating si Roman Trofimov sa Maynila. Subalit, hindi na siya pinapasok sa bansa dahil sa ECQ. Kinuha naman daw ng airline na sinakyan niya ang passport niya kaya hindi siya basta-bastang makaalis ng Pilipinas.

“I arrived in Manila March 20th and been denied entry, airline who fly me in AirAsia took my passport and stop operations that same day i am not allowed to fly out. AirAsia say i need to wait for Enhanced Community Quarantine to be over before i am allowed to fly I don’t know details,” sabi niya.

Dagdag pa ni Roman, isa siyang PWD o person with disability. Hindi raw sapat ang pagkain na binibigay sa kanya sa airport at sa sahig o sa mga bakal na upuan lang sa airport siya natutulog. Puro pa raw ipis sa airport at minsan ay gumagapang na ito sa kanya.

“The cockroaches were all over the terminal and crawled right all over me when I was sleeping, constant light, and the peas music for the whole terminal that turned on automatically every 10 minutes around the day and night the same song,” aniya.

Matapos ang ilang linggo, doon lang daw umano siya pinalipat at nabigyan ng kwarto. Giit niya, mas sumasama raw ang kanyang kalusugan dahil sa pangyayari.

Nitong Hulyo 7, ibinahagi ni Roman na siya ay mayroon ng flight pauwi sa bansa niya. Malaki naman ang pasasalamat niya sa mga taong tumulong sa kanya para makauwi na siya.

“Thanks for sharing my story with world, good advice you give me and kind word of support. We made it people!” sabi niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang balita ng KAMI, higit na 100 na Pinoy naman ang na-standed sa NAIA ngayong may krisis ng COVID-19 dahil sa pagbabasakaling may masakyan sila pauwi ng probinsya nila.

Kamakailan lang, isang babaeng apat na buwang buntis ang na-stranded din sa labas ng NAIA. Aniya, halos tatlong araw na raw siya roon.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel