Ann Shiela Belarmino, nagsalita na ukol sa pagkamatay ni Jang Lucero

Ann Shiela Belarmino, nagsalita na ukol sa pagkamatay ni Jang Lucero

-Mariing itinanggi ng inarestong si Ann Shiela Belarmino ang akusasyong sangkot siya sa pagkamatay ni Jang Lucero

-Anito, nasa ibang lugar siya at nakikipag-inuman noong gabi na nangyari ang pagpatay sa biktima

-Posible rin daw na ginaya lamang ang kanyang tattoo ng totoong suspek

-Pero nanindigan ang PNP na positibong kinilala ng mga saksi si Belarmino at may matibay na ebidensiya laban dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsalita na ang 20-anyos na dalagang naaresto ng mga pulis na isa umano sa mga suspek sa malagim na pagpaslang kay Jang Lucero.

Mariing itinanggi ni Ann Shiela Belarmino ang akusasyong kasama siya sa pagpatay kay Lucero, ayon sa ulat ni John Consulta sa 24 Oras ng GMA News.

Ann Shiela Belarmino, nagsalita na ukol sa pagkamatay ni Jang Lucero

Photo from Ann Shiela Belarmino Facebook page
Source: Facebook

Anito, nakikipag-inuman siya sa ibang lugar noong gabi na nangyari ang krimen.

Posible rin daw na ginaya lamang ang kanyang tattoo sa likod ng totoong suspek. Una na kasing sinabi ng PNP na isa ang tattoo nito sa nagturo rito, batay sa panayam dito.

"Hindi po ako 'yun nasa video. Pwedeng katulad lang ng buhok ko or ginaya 'yung tattoo ko dahil yun time na 'yun wala ako do'n at nakikipag-inuman ako sa ibang lugar. Alam ko lalabas din 'yun totoo," ayon kay Belarmino.

"Sisiguraduhin kong hindi ako 'yun at alam ko sa sarili kong inosente ako," dagdag pa ng dalaga.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Inamin naman nito na nakarelasyon nga niya ang nobya ni Lucero na si Meyah Amatorio noong Pebrero ngunit agad ding nakipaghiwalay nang malamang makikipagbalikan ito sa biktima.

Bagamat minahal daw niya si Amatorio, hindi naman daw ito ganoong katindi para gumawa ng krimen.

Pero ayon Regional Director ng PRO-4A na si Brigadier General Vicente Danao, airtight ang kaso laban dito at positibong kinilala si Belarmino ng mga saksi.

"We are very definite that we have a strong case against her. There are witnesess na nandoon mismo nung sumakay siya at na-identify siya sa CCTV na siya nga si Ann. Another witness na nakakita mismo doon sa crime scene alighting from the vehicle ng biktima," ayon kay Danao.

Matibay umano ang mga ebidensya laban dito at sa iba pang mga suspek.

Sa ulat ni Consulta, isang larawan ang ibinigay dito ng source kung saan makikita si Belarmino na kasama ang iba pang mga suspek na may alyas M at alya Ad.

Una nang sinabi ng mga awtoridad na love triangle ang tinitignang anggulo sa krimen.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jang Lucero ay suma-sideline bilang private driver matapos mawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Ayon sa pulisya, nagtamo ito ng 52 saksak na tinamaan ang puso, apdo, baga at iba pang organs ng biktima.

Una nang sinabi ng mga awtoridad na kilala nito at ng nobya ang mga suspek.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel