Lolo na kinulang ng pambayad ng hulog sa PhilHealth, natulungan ng di kilalang babae

Lolo na kinulang ng pambayad ng hulog sa PhilHealth, natulungan ng di kilalang babae

- Binahagi ng isang netizen ang kabutihang ginawa ng isang babae sa matandang nakasabay nito sa isang payment center

- Kulang umano ang pambayad ng PhilHealth contribution ng lolo na pauwi na lamang sana dahil wala na siyang dalang pera kundi ang pambayad

- Narinig pala ito ng babae at nagmalasakit itong tulungan ang matanda

- Imbis na dagdagan binayaran na niya ng buo ang kontribusyon ng matanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lolo na kinulang ng pambayad ng hulog sa PhilHealth, natulungan ng di kilalang babae

Ang babaeng nakasuot ng pink na blusa ang buong pusong tumulong sa matandang lalaki nasa likod niya.
Source: Facebook

Umantig sa puso ng netizens ang kabutihang ginawa ng isang babae sa lolo na nakasabay niya sa isang payment center.

Nalaman ng KAMI na kulang pala umano ang perang pambayad sana ng matandang lalaki sa kanyang PhilHealth contribution.

Binahagi ito ng netizen na si Renz Dela Cruz na siyang nakasaksi sa buong pangyayari.

Nang makarating na sa counter ang matanda nasa ₱300 pa ang kulang ng dala nitong pera para sa kanyang kontribusyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

May kalayuan pa naman ang pinanggalingan nito at deadline na rin daw ng hulog ng kontribusyon.

Dahil wala nang dalang pera, pauwi na sana ang lolo nang makasalubong nito ang babae na nagmalasakit na tumulong sa kanya.

Narinig pala nito ang buong pangyayari at minabuti niyang bayaran na ang kontribusyon ng matanda.

Hindi lamang niya ito dinagdagan, binayaran na rin niya ito ng buo para magamit na lamang ng lolo ang sarili niyang pambayad para sa iba pa niyang pangangailangan.

Dahil dito, umani ng papuri ang babae na sa kabila ng pinagdaraanang krisis ay nagawa pa ring tumulong sa mas nangangailangan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel