25-anyos na OFW, napagawa ang dream house sa loob lang ng 2 taon

25-anyos na OFW, napagawa ang dream house sa loob lang ng 2 taon

- Nagbunga na ang paghihirap at sakripisyo ng isang overseas Filipino worker sa loob lang ng dalawang taon

- Ang 25 anyos na OFW ay nakapagpatayo na ng kanyang dream house dahil sa pagsisikap

- Taong 2015 pa lang ay nabili na niya ang lupa sa probinsya nila sa halagang P200,000

- Ibinahagi rin ng OFW ang mga nagastos niya at kung magkano ang inabot ng kanyang dream house

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi biro ang maging isang overseas Filipino worker (OFW), lalo na sa panahon ngayon.

Nalaman ng KAMI na matapos ang sobrang pagsasakripisyo ay nakamit naman ng isang 25-anyos OFW ang kanyang dream house.

25 anyos na OFW, napagawa ang dream house sa loob lang ng 2 taon

Photo from the YouTube channel of Ronna the Explorer
Source: Facebook

Ayon sa YouTube video ni Ronna the Explorer, noong 2015 pa lang ay nakabili na siya ng lupa sa probinsya nila sa halagang P200,000.

Hindi nagtagal ay pinatayo na niya ang kanyang sariling bahay. Giit niya, pangarap niyang magkaroon ng sariling bahay dahil nakikitira lang siya noon.

Umabot ng P2.1 million ang pagpapagawa niya ng bahay mismo. Nasa P400,000 naman ang nagastos niya sa mga appliances. Nasa P2.7 million ang kabuuang nagastos niya para sa dream house niya.

Subalit, may matinding pagsubok siyang pinagdaanan noong pumanaw ang kapatid niya. Aniya, ang kuya niya ang tumulong sa kanya na gawin ang ilang parte ng bahay. Nagkasakit ito at hindi nagtagal ay pumanaw na rin.

“Hinamon man ako ng pagsubok, ‘di ako nawalan ng pag-asa na maabot ito para sa aking pamilya,” sabi niya.

Matapos ang dalawang taon ay halos buo na ang kanyang dream house. Kaya naman, ngayon ay masaya na sila ng pamilya niya sa bagong bahay nila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa naunang balita ng KAMI, ang lalaking kumikita lang ng P30 kada araw dati ay nakapagpatayo na ng sarili niyang bahay dahil sa paglalaro ng Mobile Legends.

Sa isa namang balita, tinupad ng isang anak na masikap ang pangarap na bahay ng mga magulang niya. Natuwa rin ang mga netizens dito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel