Babaeng Chinese na nagwala at nanakit sa gitna ng kalsada, nandura pa ng guard sa Makati

Babaeng Chinese na nagwala at nanakit sa gitna ng kalsada, nandura pa ng guard sa Makati

- Nagwala ang isang babaeng Chinese na tumawid sa Jupiter St. sa Makati kahit na naka-Go pa ang mga sasakyan

- Sinubukan itong awatin ng isang traffic enforcer na umapula sa eksena ngunit patuloy pa rin ito sa pagpapatigil ng sasakyang dumaraan

- Maging ang isang lalaki na lulan ng kanyang bike na sumubok tumulong sa enforcer at nagawa pa niyang saktan

- Pati na rin ang isang security guard na nagtangkal pigilan ang babae sa panggugulo ay naduraan pa nito

- Duda ng pulisya, may sakit ito sa pag-iisip at sa kasamaang palad, hindi pa nila ito makausap ng maayos dahil hindi ito marunong mag-Ingles

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Babaeng Chinese na nagwala at nanakit sa gitna ng kalsada, nandura pa ng guard sa Makati

Agaw eksena ang isang Babaeng Chinese national na bigla na lamang tumawid sa kanto ng Jupiter street sa Makati City kahit naka-go pa ang mga sasakyan.

Nalaman ng KAMI na agad itong nilapita ng isang traffic enforcer ngunit nagpupumiglas ito at mas lalong nagwala.

Pati na rin ang isang lalaking sakay ng kanyang bisikleta na nagsabi lang sa babae na tumigil dahil umaandar pa ang mga sasakyan ay napagbalingan nito at makailang beses na nahampas ng payong.

Kitang kita sa video ang pangyayari at mapapansing hindi naman nanlaban ang lalaki.

"Gusto niyang tumawid, pinipigilan siya ng enforcer dahil naka-go 'yung gusto niyang tawiran. Pinuntahan niya ngayon sa yellow box 'yung enforcer. Doon na niya binanatan," kwento ng siklista na si Jefferson Reyes.

Pinigilan din ito ni Ronel Cancio, public safety department officer salugar dahil delikadong mabangga ang Chinese na tila walang pakialam sa mga dumaraang sasakyan.

Isa pang traffic officer na nakilalang si Narciso Abrogar ang umapula sa eksena ng babae ngunit hindi niya rin ito naawat kaya duda niya'y may sakit ito sa pag-iisip.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matapos ang eksenang ito, isang kainan naman ang napuntahan ng babae kung saan patuloy siyang nagwala at nanira ng gamit.

Naawat ito ng guard ay nahawakan para tumigil ngunit sa kasamaang palad ay naduraan pa siya nito.

Nadala naman sa istasyon ng pulis ang dayuhan ngunit hindi nila ito makunan ng pahayag dahil hindi nila maunawaan ang sinasabi nito.

Oobserbahan at aalamin pa kung ito ay nasa impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot o sadyang may sakit nga sa pag-iisip.

Paalala sa mga taong nasa publikong lugar, mag-ingat at maging alerto lalo na sa panahon ngayon na maraming nagiging epekto ang krisis na siyang nagiging sanhi ng pagkatuliro at pagkabalisa ng ilan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica