Lolo na may dalang mabigat na sako, napaupo at napaluha sa sobrang gutom

Lolo na may dalang mabigat na sako, napaupo at napaluha sa sobrang gutom

- Nakaagaw-pansin ang isang 64-anyos na lalaking napaupo at naluha na lamang sa gilid ng kalsada

- Nang usisain ng mga dumaraang nagmalasakit, napag-alamang nagugutom na ito subalit wala namang perang pambili ng pagkain

- Napag-alamang bumiyahe pa ito mula Bulacan hanggang Maynila habang dala niya ng isang mabigat na sako

- May mga tumulong naman sa matanda na isa lamang sa maraming Pilipino na nakararanas ng hirap sa pagbibiyahe

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Lolo na may dalang mabigat na sako, napaupo at napaluha sa sobrang gutom

64-anyos na si Lolo Rodrigo na napaiyak na lamang sa pagod at matinding gutom
Source: Facebook

Isang 64-anyos na lalaki ang hindi napigilang maluha matapos na na tumawid ng footbridge sa EDSA habang dala nito ang isang mabigat na sako.

Nalaman ng KAMI na napaupo at naiyak na lamang ang 64-anyos na nakilalang si Rodrigo Baluyot dala ng pagod at matinding gutom.

Sa ulat ni Jun Veneracion sa 24 Oras, sinabing nagbiyahe pa raw ang matanda mula Bulacan patungong Maynila dala ang mabigat na gamit.

Nang tanungin ng ilang nagmalasakit sinabi nitong: "Gutom na. Wala po akong pera."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi na rin muna siya iniwan ng tumulong din sa kanya na si Policeman Roderick Pattalitan ng PNP-HPG hanggang sa ito ay makasakay dahil ipinagbuhat na rin niya ito ng dalang mabigat na sako.

Isa lamang si Lolo Rogrigo sa libo-libo nating mga kababayang hirap sa pagbibiyahe dahil limitado pa rin ang sasakyan sa Kamaynilaan.

Dagdag pa rito ang pansamantalang pagsasara ng operasyon ng MRT dahil sa biglang pagtaas ng bilang ng mga empleyado nilang nagpositibo sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel