Nahiya na! Mag-asawa, kusang umalis sa inuupahan at sa sirang kotse nalang tumira

Nahiya na! Mag-asawa, kusang umalis sa inuupahan at sa sirang kotse nalang tumira

- Maraming mga Pinoy nga ang nawalan ng trabaho dahil sa krisis na dulot ng COVID-19

- Tampok sa social media ngayon ang kwento ng isang mag-asawang kusang umalis sa inuupahan nila

- Limang buwan na raw silang hindi nagbabayad ng upa kaya sila na mismo ang nagkusang umalis sa tinitirahan nila

- Naglabas din ng saloobin ang mga netizens sa nangyari kay Nanay Christina at Tatay Rommel

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa hirap ng panahon ngayon dahil sa COVID-19, maraming mga Pilipino nga ang nawalan ng trabaho at hindi na nakakapagbayad ng upa.

Nalaman ng KAMI na isang mag-asawa ang minabuting umalis na lang ng kusa sa kanilang inuupahan.

Ayon sa Facebook post ng News 5, limang buwan nang hindi nakakapagbayad ng renta si Nanay Christina at Tatay Rommel.

Kaya naman, napagpasyahan na lang nilang umalis sa kanilang tinitirahan dahil nahihiya na sila sa may-ari ng bahay. Ngayon sa isang abandonadong kotse na lang muna naninirahan si nanay at tatay.

Noong ipinatupad ang enhanced community quarantine sa Metro Manila, nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag palayasin ng mga landlord ang mga umuupa kung pansamantalang hindi muna ito makakabayad.

May binigay na grace period para sa mga renta dahil maraming mga Pinoy nga ang naapektuhan ang kanilang trabaho dahil sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, naawa naman ang mga netizens sa kalagayan ni Nanay Christina at Tatay Rommel. Narito nga ang kanilang mga komento sa Facebook page ng News5:

“Buti p po kayo.marunong mahiya yun iba wala n silang hiya”
“Opo.nakakahiya po talaga..ang hrap talaga ngaun lalo pa wala ng trabaho at nangungupahan kapa..kht aq ganun dinanas ko ngaun gusto nrin sana umuwe sa probinsya pro walang wala talaga at may baby kapa..”
“Yn my ilan prin tlg n my disiplina at kahihiyan.. Totoo nga mga mhhrap p nhihiya kc wla clang pambayad...”

Sa naunang balita naman ng KAMI, isang ama ang gumawa ng maliit na bahay gamit ang kariton. Kasama pa niya ang kanyang apat na taong gulang na anak.

May naibalita rin na isang babae na gumawa na lang ng straw dahil na nanganganib na siyang mapaalis sa kanyang inuupahan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel